Kontrabida sa Daniel-Kathryn loveteam isinumpa ng mga fans: Mamatay ka na!
Maganda ang pagtanggap ni Liza Soberano sa mga namba-bash sa kanya dahil sa pagiging “kontrabida” sa tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Got To Believe.
Say ni Liza, “I understand po where they’re coming from kasi kung nagsu-support po sila sa isang love team, ‘yung sobrang pag-support sa kanila (DJ at Kath) at pag may pumasok (ka-love triangle), parang mahu-hurt po sila kasi ayaw nilang maghiwalay ‘yung dalawa.”
Ang pinakamatinding sinabi ng bashers kay Liza ay, “Mamatay ka na!” pero hindi iyon pinansin ng dalagita dahil katwiran niya effective siyang kontrabida kina Daniel at Kathryn.
Samantala, natanong si Liza kung mas gusto niya ang may kapartner o mas gusto niyang magsolo, “I think okay din po na medyo hindi pina-partner, pero okay din kung meron.
Kung hindi po kasi pina-partner, you get to experience working to everyone and to know people,” say ng dalagita. Sa tanong namin kung okay lang kay Liza na lagi siyang ka-love triangle nina Daniel at Kathryn (pangalawang beses na itong sa G2B),
“Okay lang po, ibinigay po ng management so kailangang tanggapin ko po at dapat masaya po ako kasi binigyan ako ng chance na makasama sila.”
Samantala, may crush ba si Liza kay Enrique Gil na dati niyang ka-loveteam sa seryeng Muling Buksan Ang Puso nina Enchong Dee at Julia Montes? Kasi parang nautal si Liza nang tanungin kung may komunikasyon pa sila, “Kapag nagkikita po sa event. Nagkakamustahan naman po.”
Nagte-text din daw si Enrique kay Liza, “Nangungumusta lang po, pero hindi ko po ni rereplyan, magte-text siya ng, ‘What’s up?’ Alam po ng tita ko ‘yun.
Minsan po nag-text siya, kumusta raw ‘yung TV shoot ko, tapos in-explain ko lang po ano nangyayari,” say ng dalagita. .“Pinipigilan ko pong mag-reply (sa text) kasi baka po ma-misinterpret na kapag nireplyan ko, baka isiping may gusto ako.”
Aliw kami sa “means girls” ng Got To Believe dahil hindi pala sila kilala ng ilang staff ng Star TV kasi nga mga baguhan pa. Ang katwiran sa amin ng alamin namin ang mga pangalan ay, “Say mo na lang mean girl 1, 2, 3, 4 and 5. O, di ba, Power Rangers lang ang peg?”
Sa tanong sa means girls na hindi sila napapapansin dahil sikat na loveteam ang sinusuportahan nila, say ni mean girl Ingrid dela Paz, “Super lucky ko po kasi first show ko ito at nakapasok po ako sa Got to Believe kasi ang daming nanonood at sumubaybay, so feeling naming, sa amin pong mean girls, marami na ring sumusubaybay.”
Sabi naman ni mean girl Kristel Fulgar, “Isa pong malaking karangalan na makatrabaho ang KathNiel lalo na po sina direk Cathy (Garcia-Molina) at direk Richard (Arellamo).
Naniniwala po ako na lahat ng supporters ng KathNiel, e, supporters din po naming lahat.” Para kay mean girl Katrina Legaspi, “Sobrang blessed ko po na naging part ako ng Got To Believe kasi first time ko rin pong mapasama sa primetime, at super blessed po na nakatrabaho ko po ‘yung magagaling na directors at magagaling na cast.”
Sabi naman ni mean girl Angeline Norvale, “Gusto ko pong mag-disagree sa sinabing hindi kami napapansin kasi hindi po kami mga bida, ang pakiramdam po namin may tatak na kami kasi, the way kung paano paglaruan ‘yung role namin nina direk Cathy at direk Richard.
Feeling po kasi naming ay kami (mean girls) ang nagba-balance ng drama nu’ng dalawa (KathNiel), comic relief, ‘yung pagiging tsismosa namin, inaabangan po rin ‘yun nmg viewers.”
And last mean girl Chienna Felomino, “Sobrang blessed and disagree rin po ako na negative ang tingin sa amin. Kasi lumaki po ang names namin at talagang nakilala po kami dahil sa KathNiel.
Nagta-thank you po ako kina direk Cathy at direk Richard, binigyan nyo po kami ng privilege at ma-hone ‘yung craft kung anong meron kami ngayon.”
Wish naming sumikat din ang mean girls ng G2B at sana pag sikat na sila, hindi lumaki ang mga ulo nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.