Kim itinambal kay Coco para gawing tunay na drama actress | Bandera

Kim itinambal kay Coco para gawing tunay na drama actress

Reggee Bonoan - February 24, 2014 - 03:00 AM

“MOVING forward na si Kim Chiu sa role niya from romantic comedy dapat kasunod, seryosong aktres na siya.” Ito ang ibinigay na katwiran sa amin ng taga-ABS-CBN nang tanungin namin kung bakit si Coco Martin na ang bagong leading man ng aktres.

Kaliwa’t kanan kasi ang natanggap naming e-mail tungkol sa bagong project ni Kim na Ikaw Lamang kasama si Coco na mapapanood na sa Marso 10  handog ng Dreamscape Entertainment.

May mga natuwa sa bagong project ni Kim, pero mas marami ang nalungkot at nagalit dahil bakit daw ihiniwalay ang aktres sa ka-loveteam niyang si Xian Lim gayung patok naman daw ang tambalan nila at sa katunayan kumita ang mga pelikula nilang dalawa at nagri-rate ang nakaraang TV projects nila.

“Wala nang dapat patunayan si Kim pagdating sa rom-com, kaya kailangan na niyang mag-level up kaya siya ipinartner kay Coco dahil knows naman nating magaling sa drama si Coco at kaya na ni Kim sumabay,” paliwanag sa amin.

Sa madaling salita, hindi keri ni Xian makipagsabayan ng heavy drama kay Kim, di ba bossing Ervin? (Ha-hahahaha! Baka naman….–Ed) Pero tama ang desisyon ng Dreamscape na itambal si Coco kay Kim dahil siguradong le-level up nga sa pagiging drama actress dahil mahihila siya ni Coco pataas.

Sa isang interview, sinabi ni Kim na bilib na bilib siya sa pagiging professional ni Coco, sa bawat eksena raw na ginagawa nila, lagi raw may suggestion ang aktor para mas mapaganda ang mga ito, hindi raw ito nagdadamot ng advice kaya laging lumalabas na maganda ang kanilang mga eksena.

Dagdag pa ng aktres, swak na swak sa kanya ang titulong ultimate drama actor at teleserye king.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending