Matteo itinakas si Sarah G., mga magulang galit na galit | Bandera

Matteo itinakas si Sarah G., mga magulang galit na galit

Reggee Bonoan - February 12, 2014 - 03:00 AM


May bagong tsika kaming natisod sa kuwentong ginupit-gupit ni Sarah Geronimo ang kanyang buhok dahil sa pagrerebelde sa inang si Mommy Divine.

Ang kuwento sa amin, “Actually, ang nag-react nang husto, ang daddy Delfin ni Sarah, hindi si mommy Divine. Though nag-react din ang nanay niya, kaso kinausap ni Sarah, so, medyo okay na.

“Ang kaso si daddy Delfin ang super-react this time kasi hindi nagpaalam sa kanya na nag-malling sina Sarah at Matteo (Guidicelli).

“Ang siste pala, dapat magpaalam din sa daddy ni Sarah, hindi lang kay mommy, kaya ang ending hayun, tinalakan ng padir si Sarah,” kuwento ng aming source.

Hmmm, dalawa na pala ang tumatalak ngayon kay Sarah, akala namin ay si mommy Divine lang. “Nakakapagtaka nga, kasi ang tanda na ni Sarah, ilang taon na ba siya? E, halos napag-aral na niya lahat ng mga kapatid niya, ‘yung iba sa ibang bansa na nakatira.

Si Sarah, hayan nandito pa rin, hindi ma-enjoy ang buhay kasi bantay sarado, hindi makagala ng gusto niya na kasama ang boyfriend.

“Kay Matteo pa ba sila magdududa? Hello!!! Sobrang yaman kaya ng pamilya ni Matteo at may sarili na ring pera ‘yan, bukod pa sa sobrang bait at gentleman.

“Baka nga mommy pa ni Matteo ang may karapatang tumanggi, di ba? Alam mo na, aristokrata ang nanay ni Matt, ‘no? Kita mo nga, hindi pumasa ang ex-girlfriends niya sa pamilya, tsugi agad!” kuwentong buo sa amin.

Kaya pala hindi nagtagal ang relasyon ng aktor kina Maja Salvador at Jessy Mendiola ay dahil inayawan ng pamilya ni Matteo?
Naku, pag nalaman ng magulang ni Matteo na natatarayan siya ng magulang ni Sarah, e, malamang hindi na rin boto ang pamilya ng aktor, well, the feeling is mutual pag nagkataon.

Sayang, Araw ng mga Puso pa naman bukas!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending