Sarah nagrebelde kay Mommy Divine, ginupit-gupit ang buhok | Bandera

Sarah nagrebelde kay Mommy Divine, ginupit-gupit ang buhok

Reggee Bonoan - February 10, 2014 - 03:00 AM


Trulili kaya ang nakuha naming tsika na may cold war na naman ang mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine dahil kay Matteo Guidicelli?

Sinabihan daw ni mommy Divine ang anak na tigilan na ang pakikipag-mabutihan nito kay Matteo bagay na ikinagalit ng singe-actress kaya’t nagkaroon sila ng hindi magandang pag-uusap.

Tsika pa sa amin, nagrerebelde na raw si Sarah dahil ginupit-gupit daw nito ang buhok niya sa galit.  Matatandaang nakapagsalita si Matteo sa nakaraang presscon ng Biggest Loser Pinoy Edition Doubles na hindi pa siya puwedeng magsabi kung ano ang real score nila ni Sarah dahil may mga dapat pa raw ayusin at iginagalang din niya ang magulang ng dalaga.

Reading between the lines bossing Ervin, may relasyon na nga sina Matteo at Sarah at marahil ay naghihintay lang sila ng tamang timing para humingi ng permiso sa magulang ng dalaga at ipaalam na sa publiko ang kanilang relasyon.

E, mukhang updated si mommy Divine dahil nagbabasa siya ng diyaryo at nanonood ng telebisyon, hayun na-gets na niya ang ibig sabihin ni Matteo kaya ang ending, si Sarah ang hinarap nito at muling kinompronta.

Kabaligtaran naman ito ng naglabasang balita na aprub si Mommy Divine sa relasyon ng dalawa, na nakiusap lang na huwag munang umamin sa publiko.

Teka, di ba sabi rati ni mommy Divine, hahayaan na niyang magkaroon ng boyfriend si Sarah, e, bakit ngayon parang hindi pa pala puwede? Hindi naman kasi porke’t nag-boyfriend ang dalaga ay mag-aasawa na.

Hindi porke’t may boyfriend na ay pababyaan na ni Sarah ang pamilya niya. O, baka naman pinoprotektahan lang ni mommy Divine ang tambalang Coco Martin at Sarah dahil nga may gagawing pelikula ang dalawa sa Star Cinema anytime soon.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending