Sharon inendorso ang pelikula ng Star Cinema, type nang makipagbati kay Piolo?
“All’s Well That Ends well” na ba ngayon ang Star Cinema at si Megastar Sharon Cuneta? Kaya namin ito naitanong ay dahil napanood namin ang pag-e-endorso ni Sharon sa pelikulang “Starting Over Again” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga sa YouTube.
Pinuri ni Sharon ang direktor ng pelikula na si Olive Lamasan, “Si Inang, mapagmahal sa artista, alam niya kung saan huhugot, ‘yung ibinigay niya sa akin, grandslam for ‘Madrasta,’ I’ll always be grateful to her.
Hi Inang, I wish you all the best in this movie. I know it’s going to be another masterpiece.” Oo nga naman, sinong makakalimot sa pelikulang “Madrasta” ni Sharon Cuneta na hanggang ngayon ay naririnig pa rin namin ang mga dialogue kapag nagkakatuwaan ang mga kaibigan naming beki.
Anyway, base sa aming pagtatanong ay na-interview daw mismo ng staff ng Star Cinema si Sharon sa mismong taping niya ng Madam Chairman sa TV5.
“Nag-request po kami sa kanya, wala naman po naging problema. Sa set ng Madam Chairman last February 4, tapos natuwa po siya nang makita raw niya ang crew kasi sila pa rin ang crew nu’ng she was still with Star Cinema.
“Maganda naman po ang pakikitungo ng Star Cinema kay Sharon, kaya napagbigyan,” kuwento sa amin. Tanda namin kasi ay sumama ang loob ni Sharon nang hindi matuloy ang pelikulang “Call Center Girl” dahil lumipat na siya ng TV5 at dahil dito ay ibinigay na lang kay Pokwang ang proyekto.
Pero sabi nga, walang permanenteng kaaway sa showbiz at magandang move na rin ito sa magkabilang kampo. At ibig sabihin din ba nito ay okay na uli sina Mega at Piolo pagkatapos ng nangyari sa kanila noong maghiwalay ang aktor at KC Concepcion?
Napatawad na nga kaya ni Mega ang aktor? Anyway, siguradong blockbuster ang “Starting Over Again” dahil bukod sa walang flop na pelikula si direk Olive ay marami rin ang curious sa tambalang Piolo at Toni.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.