Andi kayang tikisin si Jaclyn, dedmahan sa bahay
SA ginanap na grand presscon ng pelikulang “ABNKKBSNPLAko?” mula sa Viva Films na idinirek ni Mark Meily (showing in Feb. 19) ay natanong si Andi Eigenmann kung okay na sila ng nanay niyang si Jaclyn Jose.
Isa kami sa nagulat na hindi pa rin pala nag-uusap ang mag-ina hanggang ngayon gayung matagal na rin ang isyung ito, akala namin ay nagkaayos na sila.
Say ni Andi tungkol sa hindi nila pagkikibuang mag-ina, “We’re a mother and a daughter, that’s a bond that can never be broken.
“We may have misunderstandings, puwede po kami magkaroon ng hindi pagkakasundo, pero kahit ano’ng mangyari, siya po ay nanay ko at mahal na mahal ko po siya.
Hindi naman po ‘yon mawawala nang basta-basta,” paliwanag ng aktres. At ang nakakaloka ay sa iisang bahay pa rin pala nakatira ang mag-ina.
Samantala, puwede kayang ibahagi ni Andi sa entertainment press kung ano ang pinag-ugatan ng gusot nila ng nanay niya. Sumenyas na ayaw ni Andi ito i-share, pero may sinabi pa rin siyang, “I know that as a daughter, kailangan ako pa rin ang gagawa ng first move kasi bilang respeto po ‘yon sa aking ina.
“Pero magkakaroon ng time na… I mean, let’s just wait for the right time, magkakaroon ng tamang oras para du’n. Like I said nga, I will be the one and I have to be the fist one to make the first move,” kuwento ng leading lady ni Jericho Rosales sa “ABNKKBSNPLAko?”
Hindi naman itinanggi ni Andi na nami-miss niya ang nanay, “Siyempre, kasi my mom and I are very close. That’s the special thing about us, kahit hindi kami nag-uusap, kahit hindi ko gustong pag-usapan, hindi kailangan.
“Pero hindi naman ibig sabihin noon na magsisinungaling ako about (our misunderstanding). Yes, hindi kami nag-uusap. Pero alam ko po close pa rin kami. Kahit hindi po kami nag-uusap, close pa rin kami,” sabi ng dalagang ina.
( Photo credit to E Santiago )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.