Alice pumayag maging dyowa ng gwapong bagets | Bandera

Alice pumayag maging dyowa ng gwapong bagets

Reggee Bonoan - February 01, 2014 - 03:00 AM


Ang ganda ng exposure ni Artista Academy teen heartthrob Mark Neumann sa Studio5 Original Movies na may titulong The Lady Next Door, gaganao siya bilang stalker ni Alice Dixson.

Base sa ginanap na press preview ng Studio 5 Original Movies sa Alimall cinema 1 noong Miyerkules ng gabi ay mala-May-December affair ang kuwento ng Lady Next Door.

Walang bago sa mga ganitong istorya na tungkol sa binatilyong lalaki (Mark) na nagkagusto sa isang magandang babae (Alice) na halos kasing-edad na ng nanay niya na may problema sa asawa.

Dahil malungkot si Alice kaya nagawang pumatol ng isang gabi kay Mark na nagayuma yata kaya hayun, walang ginawa kundi kulitin hanggang makatunog ang asawang si Jestoni Alarcon at nagkagulo.

At dahil pumatol si Alice kay Mark ay pakiwari ng binatilyo may gusto sa kanya ang babaeng mas matanda sa kanya kaya ipinaglalaban niya ang pag-ibig niya maski alam niyang may asawa ito.

Isa kami sa natutuwa kay Mark dahil marunong na siyang umarte kumpara noon at bumagay naman sila ni Alice dahil pareho silang Inglesero’t Inglesera.

Pero dapat pang magpraktis mabuti si Mark sa pananalita niya ng Tagalog para mas marami pa siyang role na pwedeng gampanan.

Gusto naming sumikat ng husto si Mark dahil mabait na bata, magalang at higit sa lahat marunong makatanda maski saan mo masalubong lalo na sa malls bagay na hindi natutunan ng ibang sikat na artista ngayon, whew!

Samantala ang Lady Next Door ay mapapanood na sa Peb. 4, Martes sa TV5 bilang unang handog ng Studio 5 Original Movies.
At bilang Valentine offering naman, mapapanood sa Peb. 11, ang When I Fall In Love na pagbibidahan ng nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor at ang una niyang ka-loveteam noong dekada 70 na si Mr. Tirso Cruz III.

Hindi namin tinapos ang press preview ng When I Fall In Love dahil umalis na kami agad kaya’t hindi namin napanood ang trending na dialogue ni Ate Guy sa social media na, “Ang pinagsisisihan ko lang, ay kung bakit malamig na ang kape!” sabay buhos ng Superstar ng kape sa kabit ni Pip sa kuwento na ginampanan ni Jenny Miller.

Siguradong ito na ang bagong hit na punchline ngayon pagkatapos ng “You’re nothing but a second rate, trying hard, copy cat!” ni Cherie Gil sa movie nila ni Sharon Cuneta.

Kasama rin sa When I Fall In Love sina Marc Abaya, Nadine Samonte at Felix Roco. Cute at nakakatuwa naman ang kuwento ng The Replacement Bride nina Jasmine Curtis-Smith at Daniel Matsunaga na mapapanood sa ikatlong linggo ng Studio 5 Original Movies. Tiyak na magugustuhan ito ng mga manonood na mahilig sa romantic comedy.

Bagay palang loveteam sina Daniel at Jasmine na base sa kuwento ay in-love si girl sa kanyang bestfriend na si Edgar Allan Guzman na magpapakasal naman sa ibang babae at dahil hindi matanggap ay pumunta ng simbahan si Jasmine para sumigaw ng, “Itigil ang kasal!” pero mali pala ang napuntahan niyang simbahan.

Siya ang sinisi kung bakit nagkagalit ang ikakasal din na sina Daniel at Arci Muñoz. Heavy drama naman ang kuwento ng huling episode na may titulong Bawat Sandali nina Derek Ramsay, Angel Aquino, Yul Servo, Mylene Dizon at Phillip Salvador dahil may love triangle ito.

Tila nahahawig ang kuwento nito sa Hollywood movie na “Diabolique” ni Sharon Stone noong 1996 na akala ay napatay niya ang lalaking nakatalik niya pero buhay pala. Ang galing ng buong cast ng Bawat Sandali, kaya talagang panonoorin namin ang episode na ito sa Peb. 25.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending