Kasalang Karylle-Yael Yuzon tuloy na sa Marso kahit may problema | Bandera

Kasalang Karylle-Yael Yuzon tuloy na sa Marso kahit may problema

Reggee Bonoan |February 01,2014
facebook
share this

Kasalang Karylle-Yael Yuzon tuloy na sa Marso kahit may problema

Reggee Bonoan - February 01, 2014 - 03:00 AM


KUMPIRMADONG sa Marso na ang pag-iisang dibdib nina Yael Yuzon at Karylle, sa Tagaytay City ito magaganap .Base sa kuwento ng aming source ay dapat sa Boracay o Palawan ang kasal dahil beach wedding ang gusto nina Yael at Karylle, ang kaso, sobrang malayo na raw at magastos pa.

Kaya napagkasunduang sa Tagaytay na lang ito ganapin, “Para mas malapit at makapunta lahat ng imbitado,” sabi  ng aming source.

Hindi pa raw inilalabas nina Yael at Karylle ang buong detalye ng wedding, pati na rin ang listahan ng magiging mga ninong at ninang, pati ang iba pang secondary sponsors dahil may mga inaayos pa raw ang magkasintahan.

Samantala, tinanong namin sa aming kausap kung okay na sa daddy ni Karylle na si Modesto Tatlonghari ang nalalapit na pagpapakasal ng kanyang  unica hija.

“Okay na, wala namang magagawa na si fadir kasi maayos namang nagpaalam sa kaniya ‘yung dalawa (Yael at Karylle), may isang problema na lang na hindi na puwedeng sabihin,” biting kuwento sa amin.

At off-the-record na ikinuwento sa amin ng aming source ang malaking problema nina Yael at Karylle bagay na hindi na nga namin dapat isulat pa. Umaasa kaming maaayos din nila ito dahil sayang naman.

Anyway, congratulations and best wishes to Yael at Karylle.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending