Matteo: Gusto kong sabihin, pero nirerespeto ko ang pamilya niya!
KAY Matteo Guidicelli natuon ang pansin ng entertainment press ng ipakilala na ang hosts ng Biggest Loser Pinoy Edition Doubles kasama sina Robi Domingo at Iza Calzado at ang residente coaches ng show na sina Jim at Toni Saret kamakailan.
Kasi naman, ang guwapo ni Matteo at halata raw in love ang aktor na sinagot lang nito ng mahiwagang ngiti. Napahanga niya ang lahat dahil sa naglalakihan niyang braso sa suot niyang sleeveless shirt at jogging pants kaya iisa ang tanong ng lahat – gaano siya kasaya ngayon sa kanyang personal life?
“Mas masaya pa sa masaya,” nakangiting sabi ni Matteo na halatang hiyang-hiya.
Nakisigaw din kami sa iba pang invited members ng press na nagsabi ng, “Dahil ba kay Sarah Geronimo kaya ka masaya?”
“Basta masaya po ako,” sambit ng aktor. At sa tanong kung in-love ba siya ay agad niya itong sinagot ng, “Next time na lang natin sagutin ‘yan. Basta inspired ako ngayon, masaya naman, walang problema.”
“Gusto ko talagang sagutin ang tanong ninyo, pero hindi ko talaga masagot ngayon dahil maraming mga reasons.
“When the day comes. Gusto ko talaga sabihin, e, pero I just wanna respect other people also. I just wanna respect their families, my family, and everything,” dugtong ni Matteo.
At kung ia-analyze ang mga sinabing ito ng binata ay iisa lang ang ibig sabihin, sila na nga ni Sarah G, pero hindi pa puwedeng aminin dahil bawal pa? O, dahil wala pa namang bagong project na ipo-promote si Sarah kaya ayaw pang ipaamin kay Matteo?
Samantala, tinanong ang mga host kung kasama ba nila ang kanilang mga partner sa buhay kapag sila’y nagwo-workout, ang sagot dito ni Matteo, “Never pa kaming (sila ni Sarah G) nag-workout together.”
“Siyempre, kung may partner kami sa buhay, mas gusto ko na magkasama kami sa workout, ma-influence ko siya sa fitness mag-bike, mag-swim or kahit anong workout fitness.
“Siyempre, gusto ko rin na yung partner ko maging fit at maging sexy din. As of now, my training is always with my coach and my father. He’s my partner for now. Wala pa akong partner na babae na kasama sa workout,” say ng binata.
Tungkol naman sa Biggest Loser Pinoy Edition Doubles, ikinuwento ni Matteo na sobrang touching ang kuwento ng buhay ng 14 contestants kaya’t may emotional connection daw silang mga host sa bawa’t isa.
“May emotional connect kami nu’ng pinuntahan namin sila sa kanilang mga bahay, along the way, along the show, when they cry, masasaktan ka, e, kaya sobrang touching ‘yung buong show,” say ng TV host-actor-athlete.
Na-question din si Matteo kung ano ang karapatan niya para maging host ng Biggest Loser at paano siya makikipag-interact sa contestants dahil malayo naman daw ito sa hobby niya na rating car racer at ngayon lang naging triathlete.
Paliwanag ni Jun-Jun Santiago, business unit head ng Biggest Loser, “Si Matteo is obviously an athlete, ang dami ng naiuwing medalya niyan para sa ating bansa and he also an Ironman with prestigious triathlon competition in the world. At ang authority na tinatanong para maging host ng Biggest Loser, we gave him the authority.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.