Mariel, Robin naghubot’ hubad | Bandera

Mariel, Robin naghubot’ hubad

Reggee Bonoan - January 30, 2014 - 03:00 AM


Kulang ang upuan sa Gateway cinema 3 kung saan ginanap ang premiere night ng pelikulang “Sa Ngalan Ng Ama, Ina at mga Anak” noong Martes ng gabi na pinangunahan ng pamilya Padilla na sina Robin, Mariel, Rommel, Royette, RJ, Matt, Kylie, Bela at Daniel.

Dinagsa kasi ang nasabing premiere night ng fans nina Binoe at Daniel kaya naman kaliwa’t kanan ang hiyawan sa loob ng sinehan. Pero hindi ang mga sumasabog na granada at putok ng mga baril ang ikinagulat ng lahat ng tao sa loob ng sinehan kundi ang hubo’t hubad na katawan (habang nakatalikod) nina Robin at Mariel.

Mag-asawa ang papel nina Binoe at Mariel at kunwa’y nagising ang aktres na wala sa tabi niya ang aktor dahil nasa bintana ito at may dinudungaw.

Tumayo si Mariel na nakahubad pala palapit kay Robin na nakahubad din pala kaya lahat ng tao sa sinehan ay naghiyawan.
Kaya nang makita namin si Mariel pagkatapos ng premiere night ay tinanong agad namin kung may ka-dobol siya sa eksena?

“Ha-hahaha! Nagulat ka ‘no? Yes kami ‘yun!” napahalakhak na sabi ng misis ni Binoe. Nang si Robin naman ang sumagot, “Oo, kami, bakit, sexy naman ang asawa ko, ah? Sexy din naman ako? Pangit ba?”

Biniro namin ang aktor na sa tagal niya sa showbiz ay saka siya pumayag na magkaroon ng butt exposure kasama pa si Mariel? “Actually, ganito ‘yan, sabi kasi ni direk, mag-asawa kami, so sabi ko, anong gagawin ba?

Ayoko na ng kissing scene, bed scene o yakap-yakap kasi nagawa ko na lahat ‘yan, gusto ko iba naman. “So, sabi ni direk, sige maghubad ka, e, sabi ko, bakit naman hindi, tutal ganu’n naman talaga ako sa bahay, nakahubad talaga para kung saan abutan ng ano (ngiting pilyo) alam mo na, hindi na ‘yung magtatanggal pa.

E, okay naman, maganda naman, di ba?” natawang sabi ni Robin.Naka-take two nga raw si Robin sa eksenang iyon dahil medyo mabilis daw ang kuha nu’ng una, e, kailangan daw dahan-dahan.

In fairness, hindi boring ang pelikula bossing Ervin, mabilis ang pacing at interesting pala ang kuwento ng buhay ni Ongkoy na taga-Ozamis City.

Hindi lang aksyon ito kundi may komedi rin dahil komedyante pala ang kapatid ni Daniel na si RJ at mala-Robin naman ang dating sa pakikipag tunggali ni Matt at lover boy naman ang una.

Wala kaming masabi kay Kylie Padilla dahil hindi lang siya maganda at makinis, magaling talaga siya sa aksiyon. Sabi nga namin, dapat mag-ingat si Aljur Abrenica sa kanya.

Maiksi lang ang papel ni Bela Padilla dahil mas nag-concentrate sa mga magkakapatid at pinsan. Samantala, hindi man aminin ni Robin ay halata sa tono ng boses niya na may tampo siya kay Aljur na kasama rin sa pelikula dahil hindi ito dumating sa premiere night, “E, mabuti pa si Kathryn Bernardo na hindi kasama sa pelikula, dumating kaya sobrang nagpapasalamat ako kay Daniel. Si Aljur, ako mismo ang nag-imbita, pero hindi siya dumating.

Alam mo kung busy ka at may commitment ka, kapag para sa pamilya (ng girlfriend), walang excuse, di ba?   “Bahala na si Kylie ro’n, bubugbugin siya. Ha-hahaha! Biro lang,” ani Robin.

Sa nasabing premiere night ay dumating ang ABS-CBN consultant na si Mr. Freddie M. Garcia kasama ang maybahay at ang buong Padilla Clan sa pangunguna ni Mommy Eva Cariño, at ang napabalitang namatay daw sa AIDS na si BB Gandanghari na seksing-seksi sa suot niyang leather pants at jacket with her purple hair.

Say nga ni BB, “Hayan, nandito ako, kaloka! Patay na raw ako?” natawang sabi nito. Sa panig naman ni Mariel ay dumalo ang lolo at lola niyang sosyal.

Naroon din ang mga kaibigang artista ng mga Padilla na sina Karla Estrada, Ejay Falcon, Mikael Daez at Jasmine Curtis Smith na alaga rin ni Betchay Vidanes na manager ni Binoe.

Samantala, graded B naman ang nakuha ng “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” mula sa Cinema Evaluation Board na nagsimulang ipalabas kahapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit t Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending