Robi Domingo na-bully dahil sa sobrang katabaan | Bandera

Robi Domingo na-bully dahil sa sobrang katabaan

Reggee Bonoan - January 29, 2014 - 03:00 AM


Para kay Robi Domingo ay kakaibang reality show ang Biggest Loser kumpara sa PBB at The Voice dahil, “Hindi lang siya game show, it’s a commitment once you’re there.

Hindi naman siya tungkol sa palakasan ng personality o sa boses.  It’s about figures, makikita mo talaga sa timbangan kung mananalo ka o hindi kasi you will push yourself to your limits para makuha mo ‘yung title.

So ang insights ko ro’n, mahirap ‘yung pinagdadananan (contestants) kasi ako rati sobrang taba ko rin when I was in grade school like I’m standing 5’3 and weighing 180 pounds.

“So, nakaka-relate rin ako sa kanila so, don’t worry, phase ‘yan sa buhay natin, so once na napagtagumapayan nila ‘yan, you would experience more than being fit, yung emotional badges mawawala.”

At simula raw noong nakakarinig siya ng panunukso ng kung anu-ano ay sinimulan ni Robi ang mag-exercise at tumakbo at puro oatmeal lang daw ang kinakain niya hanggang sa unti-unti niyang napapansing nagbawas na siya ng timbang.

Aminado rin ang binata na pressured siya ngayon sa sa pagwo-work out dahil physically fit din ang girlfriend niyang si Gretchen Ho na kilalang Volleyball player ng Ateneo at ayon kay Robi kapag nakikita niyang pawisan na ang dalaga ay nahihiya na siyang magpapawis dahil, “Gusto kong hubarin ang t-shirt ko para punasan siya,” natawang sabi ng binata.

Samantala, aminado si Robi na may mga contestant silang pasaway sa Biggest Loser lalo na kapag may mga pinagagawa sa kanila na hindi naman nila ginagawa dati, “Kasi like nasanay silang kumain ng ganito o ganyan, tapos sa Biggest Loser, pakakainin mo lang ng crackers tapos kung anu-anong ipapagawa ng coaches so mag-iiba ‘yung pakiramdam nila at pag-iisip, tendency, iinit ang ulo, so dapat silang intindihin.”

Mapapanood sa unang linggo ang bagong twist sa Biggest Loser Doubles camp kasama ang 14 pairs. Mananalo ng  P1  milyon, appliance showcase, P100,000 worth ng sports merchandise mula sa Toby’s, pamhabangbuhay na membership sa Gold’s Gym, isang kitchen showcase, at marami pang iba ang magwawagi.

Mapapanood na ang Biggest Loser sa Peb. 3, Lunes at sinigurado ng hosts na sina Iza Calzado at Matteo Guidicelli kasama ang fitness coaches na sina Jim at Toni Saret na makaka-relate ang lahat sa mga contestant.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending