Vhong binaboy na parang hayop; walang urungan sa demandahan | Bandera

Vhong binaboy na parang hayop; walang urungan sa demandahan

Reggee Bonoan - January 28, 2014 - 03:00 AM


INIHAHANDA na ang lahat ng ebidensiyang kakailanganin ng legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga bumugbog  sa TV host-comedian.

Matatandaang bugbog-sarado ang Showtime host noong gabi ng Enero 22 sa condo unit sa The Fort na pag-aari ng modelong si Deniece Milennete Cornejo, apo ni Mr. Rod Cornejo,

Marketing Executive ng GMA 7 taliwas sa balitang kumalat na apo ito ng may-ari ng Kapuso station na si Atty. Felipe Gozon.
Base sa panayam kay Atty. Mallonga sa  Startalk noong Linggo ayaw daw sana nilang magsalita habang inihahanda ang isasampang kaso, pero nagpa-interview na si Vhong sa Buzz ng Bayan noong Linggo kay Boy Abunda kaya napilitan na ring maglabas ng panig ang legal counsel ng TV host-actor.

“Ayaw nga namin sanang magsalita at ayaw ring magsalita sana ni Vhong. Kaya lang, lumabas ito, itong news na ito, na lalong pambababoy kay Vhong. Yung ginawa sa kanya, dapat hindi maranasan ng kahit na sinong tao, yung pambababoy, ‘yung pambabastos, pambubugbog, pananakit, pananakot.

“And, I think, Vhong is prepared to do what is necessary dahil sa katotohanan lang, kung ito’y ginawa sa kanya ng kilala, meron siyang pangalan, at siguro nama’y may mga kaibigan siya, at meron siyang mga puwedeng gawin, paano pa yung ibang tao?” ani Atty. Mallonga.

Sabi pa nito, “The process has already begun magkakaroon na ng investigation dito. At the proper time, the complaint will be filed.” Nagtutulong-tulong na ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa imbestigasyon, kabilang na ang NBI.

Samantala, ipinagdiinan ng abogado ni Vhong na hindi rapist ang aktor, “Gusto lang naming liwanagin na si Vhong ay isang biktima sa kasong ito. He is not a rapist.

Maaaring hindi siya santo, pero siya’y isang mabuti ring tao. Hindi siya kriminal, siya’y biktima,” paliwanag mabuti ng legal counsel ni Vhong Navarro.

Samantala, binanggit ni Vhong sa Buzz ng Bayan ang pangalan ni Cedric Lee na dating karelasyon at ama ng anak ni TV host singer, Vina Morales na isa sa mga bumugbog sa kanya.

Nakilala namin noon si Cedric Lee sa binyag ng anak nila ni Vina na si Ceana, (Agosto 15, 2009) sa Sanctuario de San Antonio sa McKinley Road, Forbes Park, Makati at base sa obserbasyon namin ay tahimik na tao ito at mahiyain.

Noong magkarelasyon pa sina Vina at Cedric ay nababanggit sa amin ng singer-actress na mabait na tao ang ama ng kanyang anak, pero may mga dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay bagay na hindi na sinabi sa amin.

Pero sa pagkakaalam namin ay may pamilya si Cedric dahil may common friend kami na kakilala ang asawa’t anak nito. Ito nga raw ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang pakasalan si Vina noon hanggang sa magkahiwalay na sila.

At bago nga nag-isang taon si Ceana ay naghiwalay na sina Vina at Cedric, simula noon  wala na kaming nabalitaan maliban sa nasangkot siya sa kasong pambubugbog kay David Bunevacz na naging kasosyo sa Beverly Hills 6750 Cosmetic Surgery and Skin Institute sa Makati noong 2007 at nagsara na rin ito dahil nalugi raw.

Ayon sa mga ulat, si Deniece Cornejo nga ang bagong girlfriend ni Cedric Lee. Sabi naman ng isang negosyante na nakatsikahan namin, “Imposibleng kuwartahan ni Cedric si Vhong (hinihingan kasi ang aktor ng dalawang milyon), maraming pera ‘yun, baka gusto lang turuan ng leksyon kasi may sabit ‘yung babaeng gusto niyang…alam mo na.”

Sinubukan naming tawagan si Cedric Lee para kunan ng pahayag base sa numerong ibinigay sa amin noon, pero hindi kami sinasagot. Pero sa Twitter, nag-post siya ng kanyang statement at sinasabing hindi nila hiningan ng pera si Vhong, binugbog lang nila ang komedyante dahil nga sa ginawa nito kay Deniece.

At bago namin matapos ang kolum na ito, nag-issue rin si Deniece ng kanyang official statement sa Twitter tungkol sa mga nangyari kay Vhong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya, “If you want justice i will give you the REAL justice. In the field of women’s rights. The right will always be right. kung may biktima at innocente dito walang iba kundi ako. mataas ang paghanga ko sa mga lalaki na marunong rumespeto at ipagtanggol ang mga kababaihan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending