Anne, Vhong parehong minalas sa The Fort; Iba pang Host ng Showtime binalaan | Bandera

Anne, Vhong parehong minalas sa The Fort; Iba pang Host ng Showtime binalaan

Reggee Bonoan - January 27, 2014 - 03:00 AM

NAG-IIYAKAN ang lahat ng kasamahan ni Vhong Navarro sa It’s Showtime nu’ng nakaraang linggo dahil sa sinapit ng TV host-actor, bugbog-sarado si Bong mula sa kamay ng  anim na kalalakihan sa isang condo unit ng kaibigang babae.

Humihiling ng panalangin sina Vice Ganda at Anne Curtis sa netizens  para sa agarang paggaling ng komedyante.
Samantala, sa unang leg ng Ginuman Festival ng Ginebra San Miguel para sa selebrasyon ng 180 years sa Tutuban parking area sa Tondo, Manila noong Sabado ay kasama ang kapwa Showtime hosts na sina Jhong Hilario at Jugs Jugueta ng Itchyworms sa mga nag-perform.

Bago sumampa ng entablado si Jugs ay tinanong muna siya kung kumusta na ang lagay ni Vhong dahil inamin niyang binisita nila ito sa hospital. Kuwento nito talagang magang-maga ang mukha ni Vhong, mas malala pa kesa sa nakita sa news.

“Mas maga ngayon kasi umalsa ‘yung mukha niya, unlike ‘yung nakita ninyo sa pictures.   Hindi sure kung ooperahan pa kasi parang okay naman yata na. Nakakapagsalita at nakakatayo naman siya,” kuwento ni Jugs.

Samantala, naging running joke sa social media na dapat nang iwasan ng Showtime hosts ang The Fort dahil tila hindi maganda para sa kanila ang nasabing lugar.

Noong nakaraang taon ay sa The Fort (Prive Luxury Club) din naganap ang pananampal ni Anne Curtis sa kapwa niya ABS-CBN talent na si John Lloyd Cruz.

Sabi ng isang Twitter follower, “Sa The Fort nanampal si Anne, sa The Fort binugbog si Vhong, sino at ano kaya susunod na mangyayari? Dapat iwasan ng Showtime hosts ang The Fort.”

Tinanong din namin si Jhong Hilario na isa sa bestfriend ni Vhong Navarro  kung ano talaga ang nangyari sa kaibigan niya, pero nakiusap ito na hindi siya magsasalita.

Marahil kung hindi lang siguro siya nakakompromiso sa  Ginuman Festival ay baka hindi niya ito sinipot dahil kay Vhong. Bigay-todo pa rin naman siyang nag-perform sa nasabing event ng Ginebra.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending