Robin interesado sa buhay ng mga Beki, pag-aaralan ang Gay Marriage | Bandera

Robin interesado sa buhay ng mga Beki, pag-aaralan ang Gay Marriage

Reggee Bonoan - January 26, 2014 - 03:00 AM


PABOR pala kay Robin Padilla na hindi muna sila magkaanak ng asawang si Mariel Rodriguez. Ang katwiran ni Binoe, “Masisira (ang diskarte), kasi ang buhay naming dalawa, unpredictable, pagka nakikita niyang masyado na akong radical, inaalis ako ng Pilipinas n’yan.”

“Pagka nag-anak kami, magtutuluy-tuloy ako, baka kung saan ako mapunta, sa ngayon siya ‘yung guide ko, siya ‘yung nagkakalma sa akin, hindi ako pupuwedeng bitawan ni Mariel ngayon.

“Mas kailangan ko siya, kaysa mas kailangan niya ako, 24 hours ko siyang kailangan. Nasa estado kasi ako ngayon ng radical na hindi puwedeng iwanan,” paliwanag ng aktor.

Nasulat na namin dito na talagang ayaw muna ni Mariel na mabuntis at magkaanak, sabi nga ng TV host-actress, “Noong una, parang si Robin lang ang may ayaw.

Pero ngayon, ayaw ko na rin muna. Parang it’s such a big responsibility, and I don’t know if people realize how big the responsibility is.

Dagdag pa niya, “You have to not only take care of yourself but another human being. So, huwag na lang muna. hangga’t kakayanin, hindi muna.”

Samantala, papuntang Europa ang mag-asawa sa Peb. 1 at ang dahilan nila ay gusto nilang puntahan ang bansa kung saan ginanap ang first gay marriage.

Sa Stockholm, Sweden ang destinasyon nina Robin at Mariel, “Religious ‘yun, may uumpisahan kasi kaming pelikula ni BB (Gandanghari) na hindi matuluy-tuloy kasi nga tuwing mag-uumpisa na kaming mag-shoot, nawawala siya, biglang nangingibang bansa,” sabi ng aktor.

Ipagpo-produce ni Robin si BB ng pelikula na ang kuwento ay tungkol sa mga bading, pero nagtataka nga raw ang aktor kung bakit hindi ito matuluy-tuloy.

“Sabi ko nga, ano kaya ito, parang kailangan na ng Divine intervention dito, ‘yung plot ng pelikula namin, tungkol sa gay marriage, e, ‘yung nangyari sa Stockholm, may kinalaman do’n ‘yun,” sey ni Binoe.

Mala-pilgrimage raw ang mangyayari sa trip nila ni Mariel sa nasabing bansa na tatagal ng isang buwan. “Naniniwala kasi ako may karapatan din sila (gay), gusto ko lang makita ‘yung sa Sweden kasi doon nagsimula ‘yung gay marriage, gusto kong makita ‘yung sink hole, gusto kong ma-educate,” say ng aktor.

Hindi raw sarado ang utak ni Binoe sa gay marriage, “Dalawang klase ‘yan, meron sa simbahan lang at meron sa judge at law ng tao. Gusto ko lang makita na ‘yung ikinasal kasi sa Stockholm, mga ikinasal sa simbahan, pagdaan nila, kinain sila nu’ng sink hole, so ano ba ‘yung wisdom no’n?

“Kasi may kapatid akong gay kaya gusto kong malaman, hanggang saan ba ang boundaries no’n?” dagdag niya. Nang tanungin si Robin kung matatanggap ba niya halimbawang magsabi si BB na magpapakasal na siya sa kapwa lalaki? “Ha? Ay hindi ko pa nakikita, susmaryosep, graceful!

Siguro puwede kaming magkasundo (huwag muna), kasi sa tingin namin kay BB, bata pa siya ngayon kasi bulalakaw lang ‘yun, biglang lumabas (pagiging bading).

“Huwag niya kaming biglain, kasi kahit kami, iniintindi namin siya, kaya nga kami nakarating sa ipaglalaban namin siya kasi pamilya namin siya, pero, unti-unti rin naman, huwag naman biglaan,” iiling-iling na sabi ni Binoe.

Samantala, natatawa na lang si Robin sa balitang namatay na raw si BB dahil sa sakit na AIDS, “Oo nga, eh, hindi naman kami nabahala kasi kausap ni Mama (Eva Carino-Padilla) si BB, e, di ibig sabihin, buhay ang kapatid ko.

Kasi kung hindi, e, sino ‘yung nakakausap namin? “Ang nakakatawa si mama, sinabi sa amin baka nga raw may nangyari kay BB, e, sabi ko, kakausap mo lang.

Si Mariel na ang nagpaliwanag sa kanya. Ewan ko ba kung bakit nila (detractors) gustong magka-AIDS si BB, e, lumang sakit na ‘yun, lumang tao nga rin si BB,” natatawang sabi ng aktor.

Samantala, puring-puri ni Robin ang Star Cinema sa napakagandang trailer ng “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” na mapapanood na sa Enero 29 dahil ang ganda raw, aniya, sa trailer pa lang panalo na agad sila.

Bukod dito ay malaki rin ang tulong ng nasabing movie outfit sa promo at publicity ng kanilang proyekto. “Malaki na talaga ang nagastos, kaya nga ilang beses ko ng sinabing, ‘Itigil na natin ‘to!’, kasi hindi ko na kaya, e, panay ang pakiusap ni kuya Rommel (Padilla) na ituloy kasi sayang.

Maski nga si Mariel, sumali na rin, eh. Marami na kaming producer dito,” sabi ni Binoe nang makatsikahan namin siya sa dressing room pagkatapos ng presscon.

Samantala, makakasama nina Robin at Mariel sa pelikula sina Kylie, Bela, RJ, Matt at Daniel Padilla.  May mahahalaga ring papel sa pelikula sina Rommel Padilla, Royette Padilla, Karla Estrada, Dina Bonnevie, Lito Pimentel, Sylvia Sanchez, Pen Medina, Dennis Padilla, Aljur Abrenica, Kathryn Bernardo at Christopher de Leon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending