Sam pinaghahandaan na ang future nila ni Jessy? | Bandera

Sam pinaghahandaan na ang future nila ni Jessy?

Reggee Bonoan - January 22, 2014 - 03:00 AM

NGAYONG araw ang alis ni Sam Milby kasama ang mga kapatid sa Cornerstone Talent Management na sina Richard Poon, Angeline Quinto, Yeng Constantino at Erik Santos para sa ASAP 20 Kapamilya Caravan sa Dubai.

Pagbalik naman niya sa bansa ay sasabak na agad siya sa Dyesebel pictorial sa Batangas at sa trade launch ng ABS-CBN sa Enero 30 sa One Esplanade sa Mall of Asia.

Pero bago lumipad si Sam ay inayos na muna niya ang planong pagbili ng condo sa Serendra kahapon. Walang sinabi ang road manager ng aktor na si Caress Caballero kung anong floor ang kinuha ng aktor at kung ilang square meters, “Hindi ko alam birthmate, pero ang sigurado ko, sobrang laki kasi may guest rooms siya para sa family niya kapag umuwi ng Pilipinas.”

Kasalukuyang pinag-iisipan daw ng aktor kung ibebenta niya ang bahay niya sa Pasig City o ibibigay sa kapatid niyang dito na sa Pilipinas naka-settle.

“Iniisip pa, kasi may bahay na naman ang ate niya, ang ganda kasi ng bahay niya, di ba?” say ng RM ng aktor. Hindi kaya paghahanda na ito sa paglagay sa tahimik ni Sam? He-hehehe!

Ano kayang masasabi rito ni Jessy Mendiola? Teka lang, kailan nga kaya ipakikilala ni Sam si Jessy sa kanyang mga magulang? O, naipakilala na niya, hindi niya pa lang naikukuwento?

Samantala, lumalaki na ang pamilya ng Cornerstone Talent Management ni Erickson Raymundo dahil apat ang talents niya na kasama sa Dyesebel, si Sam bilang Syokoy at isa sa leading man ni Anne Curtis, sina Maricar Reyes-Poon, Young JV at Markki Stroem na nag-aaral na ring lumangoy ngayon nang may buntot.

At kailan lang ay join na rin si Angeline Quinto sa Cornerstone bukod pa sa dalawang kilalang singers ang lumipat na rin pero hindi pa puwedeng i-reveal dahil may mga inaayos pa raw sa mga kontrata nila.

Kaya walang dahilan para hindi mag-smile ang President at Chief Executive Officer ng Cornerstone maski na nalugi siya sa “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel” dahil halos lahat ng talents niya ngayon ay moneymaker.

( Photo credit to Google )

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending