Angeline nagpaturok ng boobs kaya nagmumura sa laki? | Bandera

Angeline nagpaturok ng boobs kaya nagmumura sa laki?

Reggee Bonoan - January 17, 2014 - 03:00 AM

ANGELINE QUINTO

Maraming nagtatanong sa amin sa text kung nagpadagdag ng boobs si Angeline Quinto dahil base sa mga bagong litrato niya ngayon at kapag napapanood siya sa ASAP 18 ay kitang-kita raw na lumaki ang dibdib ng singer.

Matagal na kasi naming hindi nakikita at nakakausap si Angeline kaya wala kaming alam tungkol sa kanya. Kaya tinanong namin ang taong malapit sa kanya kung nagpadagdag siya courtesy of Dra. Vicki Belo na ine-endorso ng dalaga.

“Hindi ‘no! Pumayat lang siya kaya akala mo lumaki!” mabilis na sagot sa amin.

O, hayan, sa mga taong concerned kay Angeline Quinto, hindi raw nagpadagdag ng boobey ang dalaga.

Pero may kasunod pang tanong dito, kung nagpadagdag naman daw ng butt ang singer.

Kami na ang sumagot base sa pagkakatanda naming sabi ni Angeline sa amin noon, “Hindi ako nagpadagdag, pads lang ‘yan na nabili ko sa Tutuban kasi wala akong puwet kaya naglalagay ako ng pads para naman maging seksi.”

Oo nga naman, maraming pads na kaming nakikitang ibinebenta ngayon kaya sa mga nag-aakalang seksi ang isang babae, e, tiyakin muna kung walang padding na inilagay para hindi maloko.

Samantala, kami rin ay nag-iisip bakit nga ba ang laki ng iginanda ngayon ni Angeline, lalo na sa cover ng bago niyang album na “Angeline Higher Love”. In love ba siya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending