Coco bida sa pinakamagastos na epic serye ng ABS-CBN; inawayan daw ang remake ‘Ang Panday’ | Bandera

Coco bida sa pinakamagastos na epic serye ng ABS-CBN; inawayan daw ang remake ‘Ang Panday’

Reggee Bonoan - January 12, 2014 - 03:00 AM


NAGULAT kami nang makita namin si Iza Calzado sa bagong seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pagbibidahan ni Bea Alonzo dahil tanda namin makakasama siya sa balik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa You’re My Home na proyekto rin ng Dreamscape Entertainment.

Ibig sabihin dalawang serye ang sabay na gagawin ni Iza at sa iisang unit pa?  Isa pang ipinagtataka namin ay kasama rin si Dawn sa Dyesebel ni Anne Curtis, bukod nga soap drama na pagbibidahan nila ni Goma.

Kaya nagtanong na kami sa mga taga-Dreamscape kung shelved na ang You’re My Home, inamin naman sa amin na, “We had nine drafts of script, but still not working. Iza is in Bea soap and Dawn will be in Dyesebel.”

At para naman kina Goma, Shaina Magdayao at Enchong Dee na kasama sana sa You’re My Home, inaayos pa raw ang bagong TV project ng mga ito.

Feeling namin ay sa bagong serye ni Coco Martin ilalagay sina Goma, Enchong at Shaina na isang period serye na sabi’y siyang magiging pinakamalaking proyekto ng ABS ngayong taon, say sa amin ng isang taga-Dreamscape kinakailangang sa malayong lugar ang locations nito dahil sa role na gagampanan ni Coco.

Samantala, may mga nagsulat na gagawin daw ni Coco ang remake ng Ang Panday pero kaagad itong dinenay ng Dreamscape, “Not true, katatapos lang ni Coco ng Juan de la Cruz na fantaserye rin tulad ng Panday.

Basta, it’s a heavy drama at sobrang malaking project ito.”

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending