Anne napaiyak sa presscon ng Dyesebel, naging emosyonal sa muling pagharap sa Media
NAGDALAWANG-ISIP palang tanggapin ni Sam Milby ang fantaseryeng Dyesebel dahil nga bukod sa syokoy ang papel niya ay kailangan niyang magsalita ng purong Tagalog dahil bawal nga ang English bukod pa sa magpapakita siya ng katawan sa kabuuan ng serye.
Ayon sa manager ni Sam na si Erickson Raymundo, “Two days lang din binanggit sa amin itong Dyesebel at binanggit nga na si Anne (Curtis) ang gaganap, medyo ayaw pa nga ni Sam kasi nga, alam mo naman ‘yan, inisip niya na magta-Tagalog siya, kaya ngayon talagang dibdiban na ang pag-aaral niya.”
Bukod sa naisip ni Sam na mahihirapan siya sa Tagalog ay naisip niya na nag-fantaserye na sila ni Anne noon sa Dyosa, baka raw pagsawaan na, “Pero sabi ko kay Sam, iba naman ang kuwento ni Dyesebel sa Dyosa,” kuwento pa ni Erickson.
Feeling daw kasi ni Sam ay masyadong mabigat at mature ang papel niya sa nakaraang serye nila nina Judy Ann Santos at KC Concepcion at nag-expect ulit siya ng heavy drama kaya nagulat siya nang ialok sa kanya ang Dyesebel.
Sabi namin okay na rin ang pambata para mas lalong mapalapit ang aktor sa mga bata tutal mahilig din naman siya sa bata.
Samantala, nabanggit din ni Erickson na maganda ang takbo ng career ngayon ni Sam dahil magkakaroon ng concert sa September na hinihintay na lang ang availability ng venue, may dalawang pelikula at itong Dyesebel.
“It’s a good start for 2014 for Sam, kasi resume sila ng shooting ng ‘The Gifted’ with Anne rin sa Viva Films tapos may Star Cinema movie rin, hindi pa puwedeng sabihin kung ano, but definitely, he will start shooting na rin, so sabay-sabay talaga, taping at shooting,” kuwento ni Erickson.
Gusto sana naming i-one-on-one si Sam pagkatapos ng presscon, pero pinigilan kami ni Dreamscape Entertainment Head, Deo T. Endrinal dahil may storycon pa raw sila.
Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa pagiging Dyesebel ni Anne Curtis, nalaman namin na puro magaganda at guwapo ang makakasama sa serye nandiyan sina Ai Ai delas Alas, Eula Valdez, Gabby Concepcion, Dawn Zulueta at marami pang iba.
Kaya ang biro namin kay sir Deo Endrinal, sinadya ba nilang puro magaganda at guwapo ang cast ng Dyesebel na sinagot naman kami ng, “Siyempre, may pangit bang sirena? Di ba dapat magaganda lahat?!”
Nakakatuwa nga ang Dreamscape Entertainment dahil sobrang pinasabik muna ang mga imbitadong entertainment media kung sino ang napiling Dyesebel sa taong 2014 na puwedeng humilera kina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Alma Moreno, Alice Dixson, Charlene Gonzales-Muhlach at Marian Rivera. At in fairness, hindi naman talaga nahuli si Anne Curtis sa mga nabanggit na Dyesebel.
Ayon kay Biboy Arboleda na head of Ad and Promo ng Dreamscape kung paano napili si Anne, “Ang pinagbasehan po namin na pamamaraan sa pagpili, management ran a marketing research survey and hands down, in all levels of survey and multi-platforms, Ms. Anne Curtis topped the list.”
Say naman ni Anne, “Siguro sa lahat ng mga taong naniwala na kaya kong i-portray si Dyesebel, maraming-maraming salamat for keeping that kind of faith in me. Na hindi nakalimutan dahil lang sa isang hindi magandang bagay na nangyari (garalgal na ang boses ni Anne).
“First time ko kasing humarap sa ganitong karaming press after everything, so salamat for that kind of faith in me. At sa mga hindi naman (naniwala), God bless na lang po.
“Everyone has something to say, but you can’t be that everybody. And I’m just so happy that this year, I’ll have another dream come true. And it’s a classic, it’s an all-time classic.
“Dyesebel is part of Philippine history, and I’m glad that I’ll be one of them,” naiiyak na paliwanag ng aktres. Dagdag pa ng dalaga, “Nagpapasalamat talaga ako na there are people who didn’t lose faith in me.
And that faith in me brought me to become Dyesebel this year. Maraming salamat. It’s another dream come true po. Sobra lang akong speechless.
“Ang laking project nito and para mahilera sa lahat ng naging Dyesebel. So eto na, 2014, a great way to start the year na makuha ko yung isa pang dream to come true,” sey pa ng dalaga.
Sa Canada kasi sinalubong ni Anne ang Bagong Taon kasama ang mga kaibigan at pagbalik nga niya ay ang ganda-ganda ng salubong sa kanya ng 2014.
“It’s overwhelming na pagkabalik ko, 2013 was a tough year. It was really tough and to come back this year, and know that there is something na magandang mangyayari.
I will be able to tell my kids, at one point, naging Dyesebel ako,” sabi ng aktres. Pagkatapos ng Q and A ay tinanong si Anne kung ano ang una niyang reaksyon ng sabihin sa kanya na siya si Dyesebel, “It’s Wow! Wow lang talaga ang nasabi ko!”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.