Anne wagi sa botohan, lalangoy na bilang bagong Dyesebel ng ABS | Bandera

Anne wagi sa botohan, lalangoy na bilang bagong Dyesebel ng ABS

Reggee Bonoan - January 10, 2014 - 03:00 AM

ANNE CURTIS AT SAM MILBY

HOW true nagpagawa raw agad ng hair extension si Kim Chiu nang malaman niyang siya na ang gaganap na Dyesebel?

Ang kaso nang bawiin daw kay Kim ang tsikang siya na ang magr-remake ng Dyesebel ay nadismaya ang aktres kaya raw siguro hindi naging maganda ang timpla niya sa nakaraang presscon ng “Bride For Rent”.

Anyway, ayon na rin sa source namin ay nagkaroon daw ng survey ang ABS-CBN kung sino ang may positibong feedback sa mga pangalang inilabas nila na puwedeng gumanap na Dyesebel at kay Kim daw ang may pinakamaraming negatibong comment.

“Hindi raw bagay kay Kim ang maging Dyesebel, ang daming nagsabing mukha siyang dilis at tinik. Ang dapat daw gumanap na Dyesebel, malaman para bumagay ang costume,” kuwento sa amin.

At habang nagkukuwentuhan kami ng aming source ay bigla niyang binanggit na lumutang ang pangalan ni Erich Gonzales na posibleng mapili dahil maganda raw ang mga review sa kanya.

“Araw-araw kasi ay nag-iiba ang isiping management, hindi puwedeng si Jessy (Mendiola) dahil may Maria Mercedes na at kailangan niyang magpahinga muna bago sumabak ulit sa isang serye,” sabi pa ng kausap namin.

Umugong din ang pangalan ni Julia Montes, “Parang malabo kasi halos katatapos lang ng Muling Buksan Ang Puso nila nina Enchong Dee at Enrique Gil,” katwiran naman sa amin.

Si Erich din naman ay katatapos lang ng Juan dela Cruz kung saan nakasama niya si Coco Martin, “E, kasi rater si Erich, maraming may gusto sa kanya,” katwiran sa amin.

Hmmmm, hindi kaya si Bea Alonzo ang maging Dyesebel sa ending dahil balitang may gagawin na raw itong bagong proyekto kung saan makakasama niya sina Sam Milby at Gerald Anderson?

May nagtsika kasi sa amin na masinsinang kinausap daw si Gerald ilang araw na ang nakalipas para maging leading man sa Dyesebel at tinanggap na raw ito ng aktor.

Kapag nagkataong si Bea ang final choice sa Dyesebel, e, magiging malaking isyu ito dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng dalawa noon, hindi ba’t natsismis na naging magkarelasyon sina Bea at Gerald.

Kahapon, may nag-text sa amin na nagkumpirma na si Anne Curtis na raw ang gaganap na Dyesebel sa pagbabalik ng pinakasikat na Pinay mermaid sa telebisyon.

Ayon sa aming source, si Anne ang napili ng Dreamscape Entertainment matapos ang matinding pag-aaral sa nasabing proyekto. Makakasama niya rito si Sam Milby bilang leading man.

Kung matatandaan isa ang pangalan ni Anne sa mga Kapamilya actress sa pinagpipilian bilang Dyesebel. May mga nagsasabi na bagay na bagay kay Anne ang role pero meron ding may ayaw dahil masyado na raw mature si Anne.

Pero sa press launch nito kahapon hatid ng Dreamscape Entertainment, naniniwala ang ABS-CBN na mabibigyan ng justice ni Anne ang nasabing role. Bukod kay Sam makakatambal din niya si Gerald sa Dyesebel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi ni Anne bata pa lang siya dream na niya ang maging Dyesebel at pinanood nya ang lahat ng Dyesebel movies pati na ang Dyesebel series ni Marian Rivera. Gagawin din daw niya lahat para maging best Dyesebel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending