Ai Ai walang paki kung ginagamit at pinupulitika lang ni Jojo Binay | Bandera

Ai Ai walang paki kung ginagamit at pinupulitika lang ni Jojo Binay

Reggee Bonoan - January 07, 2014 - 03:00 AM

MARAMING nagulat sa sinabi ni Ai Ai delas Alas na si Bise Presidente Jejomar Binay na ang susuportahan niyang Presidente kapag kumandidato ito sa 2016.

Gustong isipin ng mga nakarinig at nakabasa sa pahayagan na sinabi lang daw iyon ng Comedy Queen dahil nakaharap at dumalaw sa huling gabi ng burol ng biological mother niyang si Gng. Gregoria Hernandez delas Alas.

Pero totoo pala dahil pinaninindigan ni Ms. A na sobrang na-appreciate niya ang pagpunta ng bise presidente ng Pilipinas sa burol ng kanyang ina para makiramay.

“Hindi kami close, pero nagte-text siya kapag birthday ko kasi magka-birthday kami, November 11. Tapos nangungumusta.  Sinasagot ko rin, nagpapasalamat ako.

“Tapos ‘yun nga, na-touch ako kasi nagpunta siya mismo sa burol ng nanay ko, nagulat ako, di ba?  Isipin mo, Vice President ng Pilipinas nagpunta sa burol ng nanay ko, e, hindi naman kami close, tapos hindi rin naman niya kilala nanay ko.

So, sobrang na-touch ako, na-appreciate ko talaga,” paliwanag sa amin ng Comedy Queen nang tawagan namin siya kahapon.
Alam ng lahat na si Presidente Noynoy Aquino ang sinuportahan ni Ai Ai noong 2010 election at balitang hindi naman okay ngayon sina P-Noy at VP Binay, hindi kaya magkaroon ito ng isyu?

“Talaga, may isyu ba sila? Hindi ko alam, ano ba ‘yun?” balik-tanong sa amin ng komedyana. Nabanggit namin na hindi kaya maagang pangangampanya lang ito ni Binay dahil dalawang taon na lang at 2016 na?

“Seryoso ako friend, kasi sa mga ganitong pagkakataon, malalaman mo ang taong mabait, sabihin na nating namumulitika na sila, kasi pati si Governor (Bodjie) Dy ng Isabela, nagpunta rin, wala na sa akin ang ganu’n.

Kung sino ang nakaalala sa akin noong namatay ang nanay ko, iyon ang tinitingnan ko, friend,” seryosong sabi sa amin ni Ms. A.

At sa dalawang gabing pagdalaw namin sa burol ng nanay ni Ai Ai ay wala kaming nakitang bulaklak mula kay P-Noy o sa mga kapatid nito, alam naming naging close din naman ang Aquino siblings sa komedyana.

Nalaman din namin sa taong malapit kay Ai Ai na hindi rin daw tumawag o nag-text si P-Noy sa kanya. “Hindi! Siguro busy sila, okay lang ‘yun, naiintindihan ko, o baka hindi nila alam, walang nagsabi.

Okay na ‘yun. Basta alam nila, mahal na mahal ko ang nanay nila, si tita Cory, sobrang mahal ko at alam din nilang minahal ko sila,” pahayag ng komedyana sa kabilang linya.

“Si Kris (Aquino) naman, e, nasa London, nag-text naman siya noong January 1, okay na nagpadala naman ng bulaklak ang Kris TV, eh.  Hamu na,” kaswal na kuwento pa sa amin ni Ai Ai.

Gayunpaman ay abut-abot pa rin naman ang pasasalamat ni Ai Ai kay P-Noy at kay Kris dahil nu’ng time na nagkagulo sila ng dating asawang si Jed Salang ay ang mga ito raw ang tumulong sa kanya.

May  tampo naman si Ms. A sa mga kaibigang hindi nakaalala sa kanya, “Nakilala ko na ang mga taong tunay na nagmamahal at binibigyan ka ng importansiya.”

Samantala, gusto munang magpahinga ngayon ni Ai Ai, “Pagod na pagod pa ako friend, hindi pa ako nakakabawi ng tulog. Naaalala ko pa nanay ko, kasi di ba, dito siya tumira ng dalawang taon, siyempre, naalala ko siya kasi lakad siya ng lakad dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pahinga lang muna ako para makabawi ng tulog at back to work na ulit,” say sa amin ni Comedy Queen. Muli naming tinanong kung seryoso talaga si Ai Ai sa pag-endorso kay VP Binay, “Oo, sa kanya lang muna ako magko-concentrate. Ha-hahaha!”

( Photo crdit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending