Korina pipirma ng kontrata sa ABS-CBN, pero itutuloy pa rin ang pag-aaral | Bandera

Korina pipirma ng kontrata sa ABS-CBN, pero itutuloy pa rin ang pag-aaral

Reggee Bonoan - January 06, 2014 - 03:00 AM

MARAMING haka-hakang nabuo sa biglaang pag-alis ni Korina Sanchez sa kanyang radio program na “Rated Korina” sa DZMM.

Ayon sa mga naririnig namin ay posibleng iwan na ng news anchorwoman ang ABS-CBN at tatapusin na lang niya ang natitirang episodes ng TV program niyang Rated K at ang TV Patrol.

Pero nagkamali ang lahat dahil magre-renew ng kontrata ang beteranang broadkaster sa ABS-CBN kaya’t patuloy pa rin siyang mapapanood sa top-rating Sunday magazine show niyang Rated K at gabi-gabi bilang isa sa anchors ng TV Patrol.

Nagpahinga lang si Korina nitong nakaraang Pasko pagkatapos libutin ang halos lahat na yata ng probinsya na sinalanta ng Yolanda sa Eastern at Western Visayas para tumulong at gumawa ng mga istorya para sa kanyang programa.

Ngayon ay handa nang sumabak ulit sa trabaho si Koring sa kanyang pagbabalik mula sa tatlong linggong pamamahinga sa Amerika kasama ang asawang si DILG Sec. Mar Roxas.

At habang nasa bakasyon ang anchorwoman ay pinag-usapan naman ang kanyang special reports sa TV Patrol gaya ng “Kuwento Sa Likod Ng Balita,” ang “Tolda” na tumatalakay sa sinapit ng mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan, at ang kanyang espesyal na ulat tungkol sa nakaraang digmaan sa Zamboanga.

Tuloy pa rin si Koring sa kanyang Isang Milyong Tsinelas campaign sa pakikipag-tulungan sa ABS-CBN Foundation ngayong 2014.

Naging matagumpay ang Handog Tsinelas para sa lahat ng mga kabataan sa Luzon, Visayas, at Mindanao noong nakaraang taon at nais niyang lagpasan ang na-achieve ng kanyang advocacy ngayong 2014.

Samantala, masayang ibinalita ni Korina na nagbalik eskwela pala siya nitong taon at kasalukuyan niyang tinatapos ang kanyang Master’s Degree sa Ateneo de Manila University na ayon sa kanya ay nasa “bucket list” niya ang kanyang post-graduate studies at sa wakas nahanapan na niya ito ng panahon.

Noong June 2013, humingi ng permiso si Koring sa pamunuan ng ABS-CBN na mag-leave muna siya mula sa kanyang top-rating radio program sa DZMM sa umaga, ang Rated Korina ng isang semester.

“Muntik na akong ibagsak ng dalawa kong propesor dahil sa absence at late submissions kaya talagang hindi ko mapagsabay. Ang trabaho naman nariyan lang at ang sabi naman sa akin ng mga boss kapag ayos na lahat ay makakabalik naman ako.

Gusto ko na talaga itong iraos,” paliwanag ng beteranang news anchor- TV host.  Sina Amy Perez at Marc Logan ang pumalit sa timeslot ng Rated Korina sa radyo, “Sabi ko kina Amy at Marc basta sana i-plug pa rin nila ang Tsinelas Campaign namin para sa mga bata. Cute ang show nila.”

Samantala, naging maganda naman ang 2013 sa TV host dahil humakot siya ng kaliwa’t kanang awards tulad ng Anak TV Award para sa Rated K na napili bilang isa sa pinaka child friendly na palatuntunan sa telebisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinarangalan din sa ikatlong pagkakataon ng Makatao Awards for Media Excellence ng People Management Association of the Philippines o PMAP. Bukod pa bilang Female Newscaster Of The Year habang Best TV Newscast naman ang TV Patrol kung saan co-anchor ni Korina sina Noli de Castro at Ted Failon.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending