Daniel problemado sa eyebags, Kathryn sariwa pa rin kahit pagod | Bandera

Daniel problemado sa eyebags, Kathryn sariwa pa rin kahit pagod

Reggee Bonoan |January 05,2014
facebook
share this

Daniel problemado sa eyebags, Kathryn sariwa pa rin kahit pagod

Reggee Bonoan - January 05, 2014 - 03:00 AM


Napanood namin ang “Pagpag” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong Biyernes ng gabi sa Trinoma (last full show) at marami pa ring tao na sa tingin namin ay fans ng KathNiel lahat dahil kinukuwento na nila ang mangyayari.

Sa madaling salita ay paulit-ulit itong pinanonood ng supporters nina Daniel at Kathryn. Hmmmm, nagtagumpay naman sila dahil lampas na sa P100 million ang kinikita ng “Pagpag” na idinirek ni Frasco Mortiz na mala-“Feng Shui” ni direk Chito Roño ang dating.

Yes bossing Ervin, maraming gulat factor ang “Pagpag” na talagang mapapasigaw ka at marami ring eksenang nakakatawa, feeling nga namin, ginaya ni direk Frasco ang istilo nina direk Chito sa “Feng Shui” at ni direk Cathy Garcia Molina sa mga komedyang eksena lalo na sa mga punchlines ni Janus del Prado.

E, di ba, paborito ni direk Cathy si Janus dahil sa mga adlib nitong nakakatawa.  Sabi ng mga naunang nanood ay pang KathNiel fans ang pelikulang “Pagpag” at agree kami dahil nga puro supporters nina DJ at Kath ang kasabayan namin sa sinehan at sila-sila rin ang nagkukuwentuhan.

Okay naman ang pelikula, hindi naman totoo ‘yung sinasabi ng iba na hindi ito maganda, sa kabuuan ng movie para rin kaming nanood ng “Shake, Rattle & Roll” dahil hindi ito nalalayo sa gawa ni direk Frasco, mas marami nga lang itong nakagugulat na eksena.

May napansin lang kami, kitang-kita na ang nagmumurang eye bags ni Daniel na hindi na kayang takpan ng make-up. Mukha rin siyang pagod na pagod, kaya sana nitong nagdaang bakasyon ay nakapagpahinga na siyang mabuti.

Samantala, gumaganda naman si Kathryn sa tingin namin, hindi halatang ngarag siya dahil lagare sila sa taping ng Got To Believe at shooting ng “Pagpag”.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending