Ai Ai nabaliw-baliw sa abuloy ni Bossing para sa yumaong ina
Samantala, masayang ibinalita rin sa amin ni direk Wenn na naka P300-million na ang “Girl Boy Bakla Tomboy” sa loob lang ng siyam na araw at sabi nga raw ni Viva Boss Vic del Rosario ay hindi bababa sa P420 million ang kita nila kapag natapos na itong ipalabas.
Posible bang malampasan ng ‘Girl Boy Bakla Tomboy’ ang ‘Sisterakas’? “Ay oo naman, kasi ang ‘Sisterakas’, nasa P390 million ‘yun, e, hanggang Pebrero ‘yun, itong ‘GBBT’, P300 na, siyam na araw pa lang?” katwiran sa amin ng direktor.
Ang “Sisterakas” daw ang may hawak ng record sa box-office so far at posibleng maagaw ito ng “Girl Boy Bakla Tomboy”.
Sabay tanong ni direk Wenn kay Ai Ai kung dumalaw na ang ilang personalidad na nakatrabaho nila sa mga nagawa nilang pelikula, “Waley, sila ang Team Waley!” mabilis na sagot ng komedyana.
“Hamu na, nagpadala naman sila ng bulaklak,” mabilis na sabi naman ng komedyana.
Dagdag ni direk Wenn, “As in hindi nag-text o tumawag man lang?” Sagot kaagad ni Ai Ai, “Waley nga, hamu na.”
Si Gov. Vilma ay hindi raw nakapunta, “Pero tumawag siya at siya ang unang-unang nagbigay ng bulaklak. Si Ama (Boy Abunda), hindi nagpupunta talaga sa patay ‘yun, pero matagal kaming nag-usap at nagpadala na siya ng pera. Ha-hahaha!” masayang kuwento ni Ai Ai.
At nanlalaki naman ang matang nagkuwento si Ai Ai tungkol sa ibinigay ni Vic Sotto, “Nagulat ako, ito walang halong biro, nagulat ako, ibinabalik ko nga, e, sabi ni bossing, idagdag mo sa gastos mo, e, parang siya na lahat ang sumagot ng burol at libing. Wala na akong ginastos, kaya wala akong masabi kay Vic Sotto.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.