My Little Bossings nanganganib sa pelikula ni Vice, malapit nang maagaw pagiging No. 1 sa MMFF 2013 | Bandera

My Little Bossings nanganganib sa pelikula ni Vice, malapit nang maagaw pagiging No. 1 sa MMFF 2013

Reggee Bonoan - January 02, 2014 - 03:00 AM


Mukhang matitinag na sa unang puwesto ang “My Little Bossings” nina Ryzza Mae Dizon at Bimby dahil ilang milyon na lang ang lamang ng “Girl Boy Bakla Tomboy.”

Umabot na sa mahigit na P200 million ang kinikita ng “Girl Boy Bakla Tomboy” ni Vice Ganda samantalang medyo mahina naman ang usad ng kita ng “My Little Bossings” pero tila hindi naman apektado ang isa sa producer ng movie na si Kris Aquino dahil ang katwiran niya ay nabawi na nila ang puhunan sa ikalawang araw pa lang ng pagpapalabas nito.

Mensahe sa amin ni Kris habang nasa London ang TV host,  “Okay na Regs, as of today (Dec. 29) double puhunan na!”
Malamang nabawi na rin ng “GBBT” ang puhunan nila at lalo na ang “Pagpag” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil nakaka-P100 million na rin ang gross kaya tiyak  na nagpipiyesta na ang Star Cinema at Regal Entertainment.

In fairness, hindi nagpatalo ang KathNiel fans sa paulit-ulit nilang panonood ng “Pagpag” na panay din ang trending ng pelikula kasabay ng Got To Believe.

Ang “Kimmy Dora:  Ang Kyemeng Prequel” na nasa P45 million ang puhunan ay hindi pa umaabot sa P20 million ang kinikita, kaya sana mabawi nila ito sa video rights.

Gayun din ang “Shoot To Kill:  Boy Golden” ni Laguna Gov. ER Ejercito na sobrang laki rin ang puhunan pero hindi pa rin sumisipa sa takilya bukod pa sa hindi rin napansin sa nakaraang MMFF awards night dahil Best Float lang ang nakuha nila.

Sana naman ay bigyan pansin ng moviegoers ang pelikula dahil maganda at magagaling lahat ng bida lalo na si KC Concepcion.
Parang dedma naman ang mga producer ng “10000 Hours” ni Robin Padilla na hindi kumita ang pelikula dahil mas gusto nila ng awards kaysa humataw sa takilya,  pero ang aktor ay nanawagan na sana’y panoorin ang pelikula nila dahil maganda ang pagkakagawa nito, na totoo rin naman kaya nga halos hakutin nila lahat ng tropeyo sa MMFF award nights.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending