Kris lilipat na sa TV5, inalok na maging Presidente ng istasyon | Bandera

Kris lilipat na sa TV5, inalok na maging Presidente ng istasyon

Reggee Bonoan - December 26, 2013 - 03:00 AM


Tinawagan kami ng kilalang veteran columnist na iginagalang sa industriya at tinatanong kami kung totoong lilipat na ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa TV5 base raw sa nasulat sa isang broadsheet noong Martes.

Sabi sa amin ng veteran columnist, “You ask her if it’s true and let me know. Ikaw kaagad ang naisip ko when I read the article because mahilig ka sa controversy. Don’t forget to call me, ha.”

Binasa namin ang article at may speculations nga na lilipat si Kris sa TV5 dahil nga ang offer daw sa kanya ni Chief Executive Officer Manny V. Pangilinan ay maging Presidente ng nasabing network.

E, di ba si Mr. Noel Lorenzana ang president ngayon, bossing Ervin?  Kaya ba hindi pa nagre-renew ng kontrata si Kris sa ABS-CBN? Sabagay, nabanggit dati ng Queen of All Media na pangarap niyang maging president ng isang TV network.

Samantala, tinext namin si Kris kahapon at kaagad naman kaming sinagot ng, “Not true, no decision has been made.”
Kung sakaling matuloy, paano na ang 55 staff ng Kris TV na umaasa sa kanya?

Di ba bossing Ervin kaya nga tuluy-tuloy pa rin ang show dahil sa pakiusap ng ABS-CBN management sa kanya na ituloy ang programa para hindi mawalan ng trabaho sila? Unless isasama niya ang buong team niya sa TV5.

Ang tanong, pakakawalan ba ng ABS-CBN si Kris?

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending