Mamahaling gown at suit na ginamit sa kasal nina Sir Chief at Jodi nasunog | Bandera

Mamahaling gown at suit na ginamit sa kasal nina Sir Chief at Jodi nasunog

Reggee Bonoan - December 16, 2013 - 03:00 AM

“Pera na naging abo pa!” Ito ang kasabihan ng matatanda kapag nabulilyaso ang isang bagay na hindi inaasahan. Plano palang ipa-auction ang lahat ng damit na isinuot nina Richard Yap bilang si Sir Chief at Jodi Sta. Maria bilang si Maya sa nakaraang kasal nila sa seryeng Please Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

Pero hindi nga muna ito matutupad dahil sa nangyaring sunog kamakailan. Kuwento sa amin ng isang taga-production, “Walang dapat sisihin kasi nasunugan, eh, nakakahinayang lang kasi planong ipa-auction ‘yung mga damit na ginamit sa kasal nina Sir Chief, nina Cho, lahat ng ninong at ninang, kasama na ang mga sapatos na umabot sa treinta piraso.

“Nakakahinayang talaga kasi planong ibigay sa Yolanda victims ang mapagbebentahan sana, e, waley na,” kuwento sa amin ng aming source.

Ang damit pangkasal daw ni Jodi ang isa sa hindi nadamay sa sunog dahil nasa pangangalaga na ito ng aktres, pati ang gown ni Sylvia Sanchez na mahal din ang pagkakagawa, at ‘yung suit na ginamit daw ni Aiza Seguerra dahil hiningi na niya ito.

Mabuti na lang daw at ex-deal ang mga nasabing damit dahil kung binili nila ang mga itoay tiyak na mas lolobo pa lalo ang nagastos (sa kasal) ng productionna umabot daw ng halos walong milyong piso.

Samantala, malaking halaga na para sa kababayan nating biktima ng bagyong Yolanda ang kalahating milyon at puwede na itong pag-umpisahan ng mga tagaroon na may planong magnegosyo.

Pero sigurado kaming makakaisip pa ng ibang paraan ang mga taong nasa likod ng BCWMH, tiyak na hindi magdadalawang-isip ang mga artistang kasali sa programa na magbigay ng kanilang share para sa mga kababayan natin sa kabisayaan.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending