Paulo miss na miss na ang anak kay LJ Reyes | Bandera

Paulo miss na miss na ang anak kay LJ Reyes

Reggee Bonoan - December 11, 2013 - 03:00 AM


Aminado ang Honesto star na si Paulo Avelino na sabik na sabik na siyang maka-bonding muli ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak.

Bago ito, nauna nang nagsalita ang dati niyang partner na si LJ Reyes na wala silang problema ng ama ng kanyang  anak. Responsableng ama naman daw si Paulo at natutuwa siya dahil maayos na ang relasyon nila ngayon matapos silang maghiwalay.

“Sobrang thankful ako sa lahat ng blessings na natanggap ko this year, lalo na sa pagiging part ko ng Honesto. Pero kung may iwi-wish man ako ngayong Pasko, ‘yun ay ang magkaroon ng mas mahabang panahon kasama ang family ko.

Miss na miss ko na kasi sila,” pag-amin ni Paulo. “Masaya pa rin naman ang Christmas ko kasi kasama ko ang pamilya ko sa set, lalo na si Honesto,” pahayag aktor.

Wala nang masyadong intriga sa pagitan nina Paulo at LJ, ibig sabihin totoo ang sinabi nilag unti-unti na silang nakaka-move on sa kanilang break-up. At ngayon, nababalita ngang seryoso na raw si Paulo sa panliligaw kay KC Concepcion.

Samantala, tiniyak ni Paulo na mas kakapit pa ang viewers sa kwento ng serye nila dahil lubusan nang magbabalik ang alaala ng kanyang karakter na si Diego.

Paano magbabago ang buhay ni Diego kapag naalala na niya ang lahat at kapag nalaman niya na anak niya si Honesto? Kaya ba niyang talikuran at isumbong sa mga awtoridad ang mga kasalanan ng tatay niyang si Hugo (Joel Torre)?

Huwag palampasin ang napapanahong kwentong nagbabahagi sa kahalagahan ng katotohanan at katapatan, ang Honesto, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. Kasama rin dito sina Janice de Belen at Eddie Garcia.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending