LJ Reyes na-trauma na sa lalaki, pinahirapan nang todo ni Paulo | Bandera

LJ Reyes na-trauma na sa lalaki, pinahirapan nang todo ni Paulo

Reggee Bonoan - December 06, 2013 - 03:00 AM

LJ REYES AT PAULO AVELINO

Inamin ni LJ Reyes na may trauma siya sa nangyari sa kanila ni Paulo Avelino kaya as of now ay sarado raw muna ang puso niya, inilalaan muna niya ang kanyang oras sa anak nilang si Aki.

Nagulat kami sa terminong ginamit ni LJ na “trauma” dahil ibig sabihin ay ang sama-sama ng naranasan niya kay Paulo noong magkasama pa sila?

“Opo, parang ganu’n, siguro! Well, hindi ko kasi alam kung anong tawag sa lighter term for trauma. Basta you learned from experience so may fear na ako na baka puwedeng maulit ulit ‘yung nangyari,” sey niya.

Aminado si LJ na masyado na siyang nag-iingat ngayon sa mga lalaking nagpaparamdam sa kanya, “Mas careful na kasi may anak na ako, so ayaw mo naman maulit ulit ‘yun.

“Siguro kung may taong papapasukin ko ulit sa buhay ko, I want to make sure na ‘yung taong ‘yun, e, mag-stay ng matagal kasi kawawa naman ‘yung bata (anak niya) kasi baka mamaya ma-attach or baka hindi siya ma-attach. We’ll never know,” paliwanag ng aktres.

Wala pa raw isang taong hiwalay sina LJ at Paulo at aminadong naka-move on na siya, “Wala na po, kasi once you forgive someone, wala na ‘yung galit kasi nale-let go na po ‘yun.”

Muli naming tinanong kung bakit sila naghiwalay ni Paulo, “Mahirap po kasing sabihin ng diretso specifically kung ano ‘yung dahilan kasi baka madagdagan o mabawasan. Mahirap kasing sabihin kung ano ‘yung pinag-daanan kasi experience siya, hindi kasi black and white na bagay, very grey, so para na rin po siguro sa anak ko, ayaw ko nang magsalita,” pakiusap ng aktres.

Hindi diretsong sinabi ni LJ na oras ang isa sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Paulo, “Marami na, kung baga patung-patong na siyempre, pagod siya, pagod ako, so siguro kailangan ng time, basta marami na po,” kuwento pa niya.

Pero bawi niya, “Mabait naman si Paulo, wala akong reklamo bilang tatay ni Aki, very responsible, siguro hindi palang siya handa sa isang mas malalim na responsibilidad.”

Maganda na ang relasyon ngayon nina LJ at Paulo, lagi nilang pinag-uusapan ang future ng kanilang anak at higit sa lahat, nahihiram pa rin ni Paulo anumang oras si Aki, “Actually, hindi namin inayos ang visitation rights, kasi I’m very willing na ipahiram sa kanya. ‘O, gusto mong dalawin, sabihin mo lang.’ Sa akin, anytime,” pag-amin sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Posible bang magbalikan pa sila ni Paulo para sa anak? “Ayokong magsalita ng tapos, pero sa nangyari at naramdaman ko, wala na, kung baga wala na, napagod na ako,” diretsong sagot ni LJ na super slim ngayon kaya hindi mo iisiping may anak na siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending