Hindi pa naman ako mayaman, sapat lang para sa araw-araw! – Eugene | Bandera

Hindi pa naman ako mayaman, sapat lang para sa araw-araw! – Eugene

Reggee Bonoan - December 05, 2013 - 03:00 AM


NAGULAT ang karamihan kay “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel” lead star, Eugene Domingo nang humarap siya sa presscon para sa huling installment ng pelikula dahil ang payat-payat na niya ngayon.

Sa wari nga namin ay 26 inches na lang ang beywang niya kumpara sa dating 30. Tumayming naman ang pagbabawas ng timbang ni Uge dahil ang “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel” ay mas maraming fight scenes kumpara sa “Kambal sa Kyeme” at “The Temple Of Kyeme”.

Sabi nga ni Kimmy Dora nang pansinin ang maganda niyang pangangatawan ngayon, “Mas healthy lang ako ngayon at sabi nga ni direk Chris Martinez, ‘Mabuti na lang healthy ka ngayon kasi mas demanding ang ‘Kimmy Dora’ ngayon dahil napakaraming fight scenes.’

“Oo nga, kasi kung hindi ako healthy at kasing bigat ako dati five years ago, hindi ko siya mape-perform maigi, so tama rin pala ang desisyon ko to be healthy.

“Ngayon kaya naman masyadong magandang-maganda ang pangangatawan ko ngayon kasi mahal ‘yung girdle ko,” birong sabi ng Asian Films People’s Choice Award for Favorite Actress at Best Actress award sa 26th Tokyo International Film Festival kamakailan.

Aminado si Uge na nahirapan siya sa fight scenes nila kasama si Sam Milby bilang tagapagtanggol nina Kimmy at Dora.
“My God, it’s really difficult, mayroon kaming napakagaling na fight coach, Erwin Tagle of Ultimate Fitness, so I had three days na intensive training of Muay Thai, Capoeira, and Bruce Lee effects na fight scenes and then, Sam Milby and I had to rehearse on the set kasi pareho kaming busy, everybody’s patient waiting for me to learn the fight scenes and kung hindi magaling si Sam sa action, siguro hindi ko maitatawid.

“Doon ko lang na-realize na si Sam hindi lang pala pogi, marami siyang kayang gawin lalo na ‘yung fight scenes na sa tingin ko, siya lang ‘yung kayang sumipa ng ganu’n kataas at hindi siya napapagod and you will it in the movie,” kuwento ng aktres sa mga eksenang nahirapan siyang gawin.

Speaking of Sam ay inamin ni Uge na ngayon lang niya nakatrabaho ang aktor sa maraming eksena dahil sa “You’re The One” kasama si Toni Gonzaga ay sandali lang silang nagkasama.

Paglalarawan ni Uge kay Sam, “He’s very hardworking, he’s very friendly, saka everyday, he studies his tagalog, mayroon siyang tongue twister, nakakabilib at akala ko malakas ang dating niya, hindi pala, mahiyain pala siya saka marami pa siyang gustong ma-achieve bilang artista na okay lang naman kasi bata pa siya.”

Samantala, nakailang pelikula ngayong 2013 si Eugene kaya naman binibiro siya na mayaman na siya at marami ng ipon, pero kaagad niya itong sinangga dahil kung anuman daw ang hawak niyang pera ngayon ay tama lang sa pang-araw-araw niyang gastusin.

“Hindi po talaga ako (mayaman), kasi sa tingin ko ang artista ang kanyang bread and butter talaga is doing soap kasi three times a week ‘yan and hindi po ako nakakagawa ng soap.

“Sa totoo lang, matipid lang ako kaya hindi nauubos ‘yung iniipon ko so, tama lang naman sa pang-araw-araw na gastusin ang kinikita ko,”paliwanag ng aktres.

May nagkuwento naman sa amin na nakasama ni Uge sa ibang bansa na magastos ang aktres dahil kung anu-ano raw ang binibili nito at kapag nataypan niya ang isang bagay ay binibili niya agad maski mahal.

Hmmm, alin kaya ang totoo, magastos o matipid? Nalaman din namin na mas interesado si Uge sa cash reward na mapapanalunan sa MMFF awards night kaysa sa best actress trophy.

“Oo, eh, sa MMFF kasi may cash, sa totoo lang. Basta present ka sa awarding at present ka sa dinner kasi kapag absent ka, 50% lang ibinibigay, kaya present po ako (sa dalawa), ina-announce ko na.

“Kung ini-expect kong mananalo ako? Wala naman sigurong kuwenta kung iisipin ko pang manalo ako o hindi kasi meron namang jury para diyan kaya sila na lang mag-isip, di ba?

“Gusto ko sanang mangyari bukod doon sa mananalo ng kung anu-ano ay maraming-maraming manood (Kimmy Dora) kasi gusto kong kumita talaga ito,” say ng aktres.

Showing na sa Dis. 25 ang “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” at kasama rin sina Angel Aquino, Ariel Ureta, Moi Bien at Joel Torre produced by Spring Films, MJM Productions with Quantum Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending