Eugene ‘SINIPSIP’ ni Sam Milby: Yes…nasarapan naman ako!
SA ginanap na presscon ng “Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel)” ay pinutakti si Sam Milby ng entertainment press tungkol sa nangyari sa ex-girlfriend niyang si Anne Curtis na balitang nagwala sa isang bar dahil sa kalasingan.
Kahapon lang pala ng umaga nalaman ng aktor ang nangyari kay Anne dahil may nagsabi sa kanyang basahin niya ito sa isang entertainment website.
Ayon sa aktor ay wala siya sa posisyong magbigay ng anumang opinion dahil, “Wala ako doon sa event and you know, all I know is exactly what you guys, and I don’t think it’s right for me na mag-comment ako sa issue kasi hindi naman ako kasali and it’s better na no comment na lang,” katwiran ng leading man ni Eugene Domingo sa nasabing 2013 MMFF entry.
Hindi itinanggi ni Sam na nagulat siya sa nangyari sa dating karelasyon at sa tanong namin kung sa tingin niya ay makakasira ito sa imahe ng aktres, “This will pass,” kaswal na sabi ng aktor, “She admitted her mistakes, she’s done what she can and ang daming nagmamahal sa kanya, she has so many support from the people who love her, and like I said, this will pass,” dagdag pa ng aktor.
Hindi raw tinext ni Sam si Anne dahil hindi naman daw sila ngayon textmates at hindi rin sila nagkikita. Kaya wala siyang maibibigay na mensahe tungkol sa dating karelasyon.
Say lang ng binata, “I admire her courage to admit her fault naman.” Bilib kami sa aktor dahil maski na anong kulit namin tungkol kay Anne ay talagang hindi siya mapilit magsalita at mag-share kung anuman ang naging relasyon nila noon.
“Whatever we had, I don’t wanna share it, it’s between me and her lang, so tapos na ‘yun, I hope you guys understand it kasi hindi naman maganda ‘yun na ikuwento ko sa inyo anuman meron kami before,” paliwanag pa ni Sam-Sam.
Pero totoong umiinom si Anne at nag-iinuman silang dalawa, “I don’t want to comment or say anything, uulitin ko, sa amin o sa akin na lang whatever we had,” diin ulit ni Sam.
Samantala ang “Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel)” na ang huling installment at aminado rin ang bidang si Eugene na ang huli ang pinakamaganda.
Samantala, mapapanood na ang part 3 ng “Kimmy Dora” sa Dis. 25 bilang entry ng Spring Films co-produced ng Quantum Films at MJM Productions sa filmfest kung saan kaasma rin sina Joel Torre, Moi Bien, Ariel Ureta Angel Aquino sa direksyon ni Chris Martinez.
Speaking of “Kimmy Dora” part 3, tawanan ang media sa presscon ng pelikula kahapon nang magpalitan na ng punchlines sina Sam Milby at Eugene Domingo, lalo na ang tungkol sa maiinit na eksena nila.
Kung nahalikan daw ni Dora (Uge) si Sam, “sinipsip” naman daw ng aktor si Kimmy (si Uge rin). May eksena raw kasi sa pelikula na kailangang sipsipin ni Sam ang hita ni Eugene, kaya ang tanong sa komedyana kung nag-enjoy siya, “Oo, naman! Masarap! Tinotoo kasi niya, e!”
Hirit naman ni Sam, “Siyempre, in character ako. Totoo, nasarapan ka?” Na sinagot naman ni Uge ng, “Oo, e!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.