Daniel tatabingi ang mukha dahil sa mala-pating na ngipin | Bandera

Daniel tatabingi ang mukha dahil sa mala-pating na ngipin

Reggee Bonoan - November 27, 2013 - 03:00 AM


Tumawag sa amin ang aming orthodontics para sabihing gusto niyang ayusin nang libre ang mga ngipin ni Daniel Padilla dahil sungki-sungki raw.

Pagtatapat ng aming dentista ay tatlo pa lang silang orthodontics na lisensiyado dito sa Pilipinas ng latest technology ng fast braces na ibig sabihin ay puwedeng maayos na ang sungking ngipin sa loob lang ng anim na araw hanggang isang buwan.

‘Yung ibang orthodontics daw ay kailangang bunuting ngipin para magkaroon ng espasyo at dumiretso ang ngipin, pero sa latest technology na tinapos niya sa Dallas, USA ay hindi na kailangan ng bunot.

Sinabi namin ito sa nanay ni DJ na si Karla Estrada at gustung-gusto nga raw niya ito at ipagpapaalam lang niya sa production ng Got to Believe dahil baka nakaapekto sa continuity ng programa.

Walang hinihinging kapalit o publicity ang aming kaibigang orthodontics dahil sikat na naman siya at marami na rin siyang artistang inayusan ng ngipin, concerned lang daw siya sa ngipin ng aktor bukod pa sa challenge raw sa kanya dahil hindi biro ang kaso ng batang aktor.

Oo nga, parang ngipin ng pating ang mga ngipin ni Daniel, di ba? At dagdag pa na baka raw sa katagalan ay tumabingi ang mukha ni Daniel dahil sa bite niya na hindi pantay.

“Sayang ang pagiging guwapo niya kaya habang bata pa siya, ayusin na niya. Saka okay lang naman na naka-brace siya sa Got To Believe kasi mayaman naman ang papel niya ro’n, di ba?” say sa amin.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending