Serye ni Derek inokray; Gag Show ni Joey sa TV5 kumikita | Bandera

Serye ni Derek inokray; Gag Show ni Joey sa TV5 kumikita

Reggee Bonoan - November 24, 2013 - 03:00 AM


NAKINIG kami sa kuwentuhan ng mga katoto sa isang coffee shop na mahilig mamuna ng mga programa sa telebisyon, in fairness, naaliw kami sa kani-kanilang mga punto, bossing Ervin.

Bungad ng katotong mataray at patnugot ng kilalang pahayagan, “Nakakaloka ang entertainment department ng TV5, hindi mo maintindihan kung ano ang gusto nilang gawin, nalilito tuloy ang viewers, maski na anong gawin nilang pagpapaganda kung magulo mga tao nila dahil marami silang gustong gawin, hindi sila bebenta.

“I tried to watch Derek’s (Ramsay) For Love or Money, it’s so boring, ang ganda-ganda ng teaser nila, pag pinanood mo na, I feel sleepy na.

It’s a weekly series kasi kaya susundan mo ang kuwento, kaso kung ganyan ka-boring, bakit ko pa hihintayin ang another week? Naku, if not for Derek na kaibigan ko, hindi ko papanoorin ‘yan.”

Sandali lang naman ang nasabing serye nina Derek, Alice Dixson at Ritz Azul at ipinaliwanag na rin ito noon sa presscon ng nasabing programa ng TV5 dahil iyon lang daw talaga ang plano para hindi maburyong ang manonood, e, paano ‘yan, may nagreklamo na?

Dagdag pa, “Bakit parang hindi magaganda ang ibinibigay na show kay Derek?  Parang so-so lang?”  Binanggit namin na baka ito rin ang gusto ng aktor na ayaw niya ng matagal na serye para may kapalit kaagad dahil balita namin pagkatapos ng For Love or Money ay may kasunod kaagad siyang project kasama naman si Aga Muhlach pero hindi pa namin nakukuha ang titulo.

Kaya may pambungad na kaagad sa 2014 ang TV5, ang Aga at Derek project. Teka, nagri-rate ba ang For Love or Money, tanong namin sa mataray na katoto at patnugot, “Ma, you ask TV5 people,” paismid na sagot sa amin.

Samantala, napag-alaman namin na hindi nga masyadong maganda ang laban sa ratings game ng mga programang Face The People, Madam Chairman, The Mega and The Songwriter, Let’s Ask Pilipinas, Showbiz Police, What’s Up Doods at iba.

Susme, halos lahat ng nabanggit na show ay ini-launch sa weekend special eklabu ng TV5? Pero anyare? Hirit naman ng kilalang veteran columnist, “Huy, would you believe, mas nagri-rate pa ‘yung Wow Mali at ‘yung ‘yung kina Gelli (de Belen) at Ogie Alcasid?” na ang tinutukoy ay ang gag show na Lokomoko U Unlimited.

Dugtong ng aming kausap, “Tama, that’s it. So mga ka-cheapang shows ang nagri-rate sa TV5?  Nakakaloka!”  Bigla kaming napaisip, oo nga ‘no, mga ka-cheapang programa ang talagang pinapanood ng mga tao sa TV5, kung ikukumpara mo sa mga naglalakihang show na pinagbibidahan ng malalaking artista na pagkamahal-mahal ng mga talent fee.

At base rin sa araw-araw naming pagbabasa ng pahayagan ay bihira ring masulat ang Lokomoko U Unlimited at Wow Mali ni Joey de Leon. Partida na wala pa palang publicity ang mga nabanggit na show pero nagri-rate?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending