Korina bakasyon lang, hindi suspendido; tuloy ang sweldo
“NASA field po si Korina (Sanchez) since late/mid last week, she was in Bohol and was about to go to Tacloban but management didn’t allow her team for security reasons.
She was diverted to Ormoc (City) to cover and do relief. This week, she’s off to Capiz, Iloilo, Palawan and Zamboanga.”
Ito ang natanggap naming paglilinaw mula sa isang source kung bakit wala na sa TV Patrol ang news anchor.
“Naka-deploy po kasi mga reporters and anchors of Patrol sa field/site. They take turns like Noli (de Castro) na wala rin sa studio at radio, he is also on field.”
Ito naman ang version ng aming espiya sa News department kung bakit wala si Korina sa TV Patrol at radio. “Hindi naman suspindido, she was advised to have a vacation muna for two weeks, hindi totoong one week,” ang pagtatapat ng aming source sa ABS-CBN.
Ang pagkakaiba raw ng pinakiusapang magbakasyon sa suspindido ay, “When you say suspended kasi, walang suweldo ‘yun, pag pinakiusapan kang magbakasyon, you are being paid pa rin, so magkaiba ‘yun.
Officially, hindi suspended si Korina, bakasyon siya for two weeks,” paliwanag mabuti sa amin. Ilang araw nang kumakalat sa social media na sinuspinde ng ABS-CBN management ang kilalang news anchor dahil sa maaanghang na pahayag nito sa ulat ni CNN correspondent Anderson Cooper sa mga nangyari sa Tacloban dahil sa bagyong Yolanda.
Hindi nagustuhan ng netizens ang reaksyon ni Korina sa programa nito sa radio at dito na nagkaroon ng baliktaktakan sa pagitan nila ni Anderson.
Dagdag pa ng aming source, “Tuloy ang Rated K, ha, sa news at radio lang siya bakasyon.” Ang kaboses daw ni Korina na si Jasmin Romero ang pansamantalang kapalit nito sa TV Patrol simula pa noong Biyernes.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.