Cristine ayaw maging bf si Paulo; ilang araw ding iniyakan sa Derek | Bandera

Cristine ayaw maging bf si Paulo; ilang araw ding iniyakan sa Derek

Reggee Bonoan - November 19, 2013 - 03:00 AM


Guaranteed contract pala ang pinirmahan ni Cristine Reyes sa ABS-CBN kaya naman sunud-sunod ang programa niya sa nasabing network.

Noong Biyernes lang natapos ang seryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin kasama si Gerald Anderson, pero mapapanood siya agad sa Honesto bilang love interest ni Paulo Avelino.

Marami ang nagtaka dahil sa isang pambatang programa inilagay si AA gayung alam naman ng lahat na ang imahe niya ay sexy. Natanong din kung bida o kontrabida siya sa Honesto.

Ang paliwanag ng creative head ng Dreamscape na si Rondell Lindayag ay nagkaroon ng guilt feeling ang character ni Cristine sa serye dahil hindi niya naalagaan ang nanay niyang namatay sa cancer.

In return ay si Paulo ang inalagaan niya na sa mga sandaling iyon ay comatose, dito niya sinasabi ang mga problema niya kahit hindi siya naririnig. Hanggang sa magising si Paulo, dito na magsisimula ang twist.

“Actually, hindi po pressured (role) kasi good girl naman talaga ako, kaso nga lang, minsan may moments na ano (topak), ‘yun lang naalanganin, kung meron something.

“I try my best na maging good girl naman po but hindi ko naman dine-deny na may pagka-bad girl din naman ako. Yes, para po sa inyo, magpapaka-good girl ako, para sa show na ito at sa ABS-CBN, ayoko po silang i-fail,” paliwanag ng aktres tungkol sa papel niya.

Ipinagtanggol naman ni Rondell si Cristine sa imahe nitong bad girl dahil hindi raw totoo ito, ni minsan  ay hindi siya naging sakit ng ulo sa mga project nito sa Dreamscape tulad ng Dahil sa Pag-Ibig, Bukas Na Lang Kita Mamahalin at itong Honesto.

Samantala, kinlaro ni Cristine na as of now ay wala sa plano niya ang magkaroon ng boyfriend, tinanong kasi siya  kung posibleng ma-in love sa bagong leading man niya sa Honesto.

“‘Yung kay Paulo naman, it doesn’t mean naman kapag partner mo ang isang lalaki at single siya, e, magiging kayo. As much as possible po, sana hindi kasi di ba, ano, every project, boyfriend mo ‘yung guy parang hindi naman okay,” katwiran ulit ng dalaga.

Sinabi rin ni Cristine na hindi pa niya nakakatrabaho si Paulo pero nagkasama na raw sila before sa isang event kaya wala siyang ideya kung anong ugali ng aktor.

Samantala, sa Buzz Ng Bayan nu’ng Linggo, inilahad ni Cristine ang ilang detalye ng paghihiwalay nila ni Derek Ramsay. Ipinagdiinan niya na wala talagang third party sa break-up nila.

“I think hindi pa siguro ako ready. Gusto ko siya, gusto ko si Derek, but parang hindi ako ‘yung normal, hindi ako mapalagay kapag sa kanya,” pahayag ng aktres.

Napansin din niya na parang hindi na siya “normal” nu’ng maging sila ni Derek, “Kasi nu’ng boyfriend ko siya, kasi alam niyo naman ako loka-loka ako and mapagbiro.

Parang puwede ko pa rin ba gawin sa kanya yon? Parang hindi na kasi baka mamaya sermunan niya ako. Pero kapag magkaibigan kami, nasasabi ko sa kanya lahat siya rin ganu’n.”

Dagdag pa ni AA, “Nag-usap po kami ng personal. Merong iyakan, may ilang days na wala ako sa sarili.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending