CINEMALAYA bubuwagin na ng dyowa ni GRETA, ilang taon nang nalulugi
MARAMING filmmakers ang nanghihinayang dahil huling taon na pala ng Cinemalaya sa 2014 dahil umayaw na raw ang chairman na si Tony Boy Cojuangco, ang partner ni Gretchen Barretto, at maging ang pamunuan ng Cultural Center of the Philippine ay suko na rin dahil malaki na ang lugi nila sa nasabing film festival.
Kuwento ng aming kausap na sumasali rin sa mga film festival, “Nakakahinayang nga, kasi siyempre mababawasan ang venue for indie filmmakers, di ba.
“E, sa mga ganitong festival like Cinemalaya sila nag-uumpisang makilala at ‘yung pelikula nila bago nila ilibot sa ibang bansa at pag sinuwerte, mapapansin at makakakuha ng awards.
“Admittedly, wala namang kumitang pelikula kasi ang Cinemalaya, lahat lugi, so paano nga naman magkaka-pondo ang organizer?
Lalo na ang CCP, malaki ang lugi nila dahil walang bumabalik sa ginagastos nila. Isipin mo, ilang araw ‘yung festival?” sabi pa ng aming kausap.
Sayang talaga dahil unti-unti nang nakikilala ang Cinemalaya at kung napapansin n’yo palaki nang palaki ang mga artistang sumasali sa nasabing indie filmfest.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.