CRISTINE, GABBY nag-sex sa dagat, gubat, banyo at swimming pool | Bandera

CRISTINE, GABBY nag-sex sa dagat, gubat, banyo at swimming pool

Reggee Bonoan - November 09, 2013 - 03:00 AM


INAMIN ni Gabby Concepcion sa presscon ng “When The Love Is Gone” na naging masunurin siya sa lahat ng ipinagawa ni direk Andoy Ranay para sa love scene nila ni Cristine Reyes.

Nu’ng kabataan daw niya kasi ay marami pa siyang tanong-tanong bago gawin ang isang eksena na para sa kanya ay mahalay, pero sa “When The Love Is Gone” ay go lang siya nang go.

“Hindi ako nagko-complain, hindi na ako tulad nu’ng kabataan ko na medyo conscious, pati brand ng suot ko, conscious din. Wala ng attitude-attitude.

Masuwerte pa nga ako, buti na lang nag-underwear ako (sa eskena namin ni Cristine),” natatawang kuwento ni Gabby.
Siyam daw lahat ang love scenes nina Gabby at Cristine sa pelikula, isa sa dagat, meron gubat, sa banyo, sa swimming pool, meron din sa kuwarto at sa kotse.

Natatawang kuwento naman ni direk Andoy na sa sobrang pananabik daw kunwari nina Gabby at Cristine sa love scenes nila ay may sumabog daw sa harapan niya na labis na ikinaloka ng lahat.

Kaya’t binulungan agad ni Gabo ang direktor niya na liwanagin daw kung ano ‘yung sumabog dahil baka iba ang isipin nila.
Inamin ng aktor na talagang may naramdaman siya sa love scene nila ni Cristine, “Siyempre tao lang naman tayo nakakaramdam din, hindi naman maiiwasan, siguro ano lang, ingat, kapag ganu’n, one size smaller ang gamitin mong underwear para mahigpit,” sabay ngiti ni Gabby.

Samantala, alam naman ng lahat na nakailang asawa na rin si Gabby at dahil “When The Love Is Gone” ang titulo ng pelikula nila nina Andi Eigenmann, Jake Cuenca, Cristine at Alice Dixson ay natanong ang aktor kung paano niya nasabing, the love is gone?

“Ikaw lang ang makakaalam no’n, basta’t pag nangyari ‘yun, at maski na anong pagtutuwid ang gawin mo o paraan, at wala na talaga, mahirap.

Ako kasi, hangga’t maaari, ayaw kong bumitaw talaga, usually, kapag may karelasyon ako, mahirap bumitaw, mas gusto ko pang marinig sa isa na the love is gone, kaysa sa akin mangyayari ‘yun,” paliwanag ng aktor.

Sa Nob. 27 na mapapanood ang “When The Love Is Gone” mula sa Viva Films at magkakaroon ito ng premiere night sa Nob. 26, sa Greenbelt, Makati.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending