Teleserye nina JODI at RICHARD YAP tatagal pa hanggang Abril, 2014 | Bandera

Teleserye nina JODI at RICHARD YAP tatagal pa hanggang Abril, 2014

Reggee Bonoan - November 05, 2013 - 03:00 AM


HINDI pala binanggit sa presscon nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria para sa Be Careful With My Heart kung saang simbahan sila ikakasal for “security reasons” daw dahil baka magkagulo.

Pero dalawa o tatlong araw bago ito umere ay puwede na raw sabihin, ayon sa mga katotong dumalo sa presscon ng nasabing teleserye ng ABS-CBN kahapon.

Sa Nob. 15, Biyernes pa kasi ipalalabas ang nasabing kasalan nina Sir Chief at Maya pero base naman sa tsika sa amin ng aming source ay apat na  taping days ang gugugulin para sa mga nasabing eksena.

“Sa November 11 to 14 ang taping ng kasal at sa November 15 ang airing, di ba? Kaya hand to mouth talaga,” kuwento sa amin.
Ikinuwento rin sa amin ang pinagpipiliang venue ng kasal, maaaring gawin ito sa may Guadalupe Viejo sa Makati City, sa Pila, Laguna kung saan nagte-taping ang Be Careful With My Heart at sa isang magandang lugar daw sa Batangas.

“Inisip ng production kung sa Guadalupe, baka mahirap kontrolin ang tao kasi busy streets ‘yun at masikip. Inisip din sa Pila, Laguna, ‘yung pinagte-teypingan para hindi na lumayo pa, kaso gusto ng management, ibang lugar naman para refreshing sa mata ng viewers.

So, baka Batangas, as of now wala pang final decision,” katwiran sa amin ng aming source. Tinanong namin kung hanggang kailan ba talaga ang airing ng BCWMH, “Ang gusto ng production, hanggang Pebrero (2014) na lang, e, gusto ng management, huwag daw muna tapusin, e, siyempre, management ang masusunod, di ba?”

Ibig sabihin, maaari pang abutin ng Marso hanggang Abril o Mayo ang serye nina Jodi at Richard? At kung tatagal pa nga hanggang first quarter ng 2014 ang BCWMH, siguradong magkakaanak pa sa kuwento sina Maya at Sir Chief.

By the way, sa Japan ang magiging honeymoon ng mag-asawa dahil gusto nga ni Maya na makakita ng snow. At isang linggo tatagal ang wedding special ng BCWMH.

At sa pagkakaalam namin, tuloy pa rin ang pagsasapelikula ng nasabing serye, hindi lang sigurado ang produksiyon kung isasali pa ito next year sa MMFF or sa regular run na lang.

Grabe rin ang mga followers nina Jodi at Richard Yap, ‘no! Talagang hindi sila nagsasawang panoorin ang serye kahit na halos isang taon na itong tumatakbo, ibig sabihin, wala silang nararamdamang sawa factor sa programa.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending