DANIEL, KATHRYN lumelebel kay PACMAN | Bandera

DANIEL, KATHRYN lumelebel kay PACMAN

Reggee Bonoan - November 03, 2013 - 03:00 AM


Wala na kaming masasabi sa mga sumusubaybay ng Got to Believe dahil halos lahat mga tinedyer na nakatira sa kalye namin ay naghiyawan noong Biyernes ng gabi nang magpaalam na si Joaquin (Daniel Padilla) na manliligaw siya kay Chichay (Kathryn Bernardo).

Akala namin ay naggi-games lang ang mga bagets, ‘yun pala nanonood sila ng Got To Believe.Susme, parang ganito rin ang senaryo pag may laban si Manny Pacquiao, ang pagkakaiba lang ay halos puro matatanda naman ang naghihiyawan sa nasabing boksingero.

Kaya pala kapag oras na ng Got To Believe ay isa-isang nagpupulasan ang mga bagets sa may tindahang tinatambayan nila para magbidahan ng kung anu-ano lang at saka babalik kapag tapos na.

Pati kami ay nanood na rin at in fairness nakakakilig naman talaga sina Joaquin at Chichay. Talagang masasabi na nating sila ang number one young loveteam ngayon, base na rin sa nakikita naming pagtanggap ng mga manonood sa kanilang serye.

At hindi lang mga bagets ang nahuhumaling sa kanilang palabas dahil sa pagkakaalam namin, pati na rin ang mga matatanda, mapananay, o mapalola ay tumututok sa Got To Believe.

Nakakaaliw din sina Papa Bear (Benjie Paras) at Mama Bear (Manilyn Reynes) dahil sa lambingan nila. Forte talaga ni Direk Cathy Garcia-Molina ang mga ganitong kuwento ng pag-ibig na kung iisipin mo ay corny pero ito pala ang nagki-click sa manonood kaya naman taob sa ratings game ang mga programang katapat programa nina Daniel at Kathryn.

Hmmmm, tama ba ang hula namin, hindi tunay na anak ni Ian si Joaquin at ang tunay niyang anak ay si Chichay? Kapag nagkataon, masisira ang magandang samahan nina Papa Bear, Mama Bear at Care Bear.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending