AI AI pinaharorot sa kalye ang sports car gamit ang 1 kamay...kalat na sa YOUTUBE | Bandera

AI AI pinaharorot sa kalye ang sports car gamit ang 1 kamay…kalat na sa YOUTUBE

Reggee Bonoan - November 02, 2013 - 03:00 AM

NAGULAT kami nang may mag-post sa YouTube na pinaharurot ni Ai Ai delas Alas ang kanyang sportscar na kaliwang kamay lang ang nagda-drive habang nakataas naman ang kanan.

Feeling mangangarera ang dating ng komedyana dahil nakatawa pa siya nang patakbuhin niya ang kotse at naisip namin na baka pinaandaran niya ang anak na si Sancho dahil nag-post ito ng, “I have the coolest mom ever.”

Si Sancho ay parating nakakasama ngayon ni Ms. A sa mga lakaran at sabi nga ng binata, “My forever date.” Oo nga naman, sa tuwing nahihiwalay kasi silang dalawa sa kani-kanilang mga relasyon ay sila ang nagdadamayan kasi nga panganay na anak ng komedyana ang binata.

Samantala, mapapanood naman ngayong hapon sa Wansapanataym Presents: Moomoo Knows Best ang ghost at treasure hunting na gagawin nina Ai Ai, Izzy Canillo at Cherry Pie Picache.

Sasamantalahin ng isang misteryosong kaluluwa ang tumitinding alitan ng dalawang esperitista na sina Joanna (Ai Ai) at Lavender (Cherry Pie) upang maikulong ang espirito ng ina ni Joanna at mahanap ang matagal na niyang hinahanap na kayamanan.

Matutunan na kaya nina Joanna at Lavender na magtulungan at kalimutan ang kanilang hidwaan sa oras na malagay ang kanilang mga buhay sa peligro? Ano ang koneksyon ni Kwatzy (Izzy) sa misyon ng misteryosong kaluluwa?

Kasama rin sa Wansapanataym Presents Moomoo Knows Best sina Carla Martinez, Marco Gumabao, Michelle Vito, Jojit Lorenzo, Lui Villaruz at Tony Manalo sa direksyon ni Erick Salud.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending