Charice: Seryoso kami ni Alyssa, hindi laro ang relasyon namin! | Bandera

Charice: Seryoso kami ni Alyssa, hindi laro ang relasyon namin!

Reggee Bonoan - November 01, 2013 - 03:00 AM

Alyssa Quijano at Charice Pempengco

KARUGTONG ito ng Charice item namin kahapon tungkol sa magandang relasyon nila ngayon ng kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano.

Sa tanong namin kung paano nasabi ni Charice na si Alyssa na ang “she’s the one” ay nabanggit nga niyang matagal na niyang nasa puso ang kapwa singer at mahigit sa isang dekada na niya itong minamahal.

Kaya naman natanong ang international singer na masyadong seryoso na pala ang relasyon nila na akala ng iba ay dyowa-dyowaan lang ang drama.

“‘Yun po ‘yung hindi alam ng tao na hindi namin kailangang sabihin kung ano ‘yung ginagawa namin, ano ‘yung pinag-uusapan namin, pero kasi ang hirap na the way people see us na akala nila ay naglalaro lang kami, minsan nakikita nila nagtatawanan kami, so they think laru-laro lang ginagawa namin.

“They don’t see how sometimes we fight about simple things, sometimes about life. Like we talk about other people na sinasabi sa kanya na naaapektuhan siya, they don’t see how we talk pag kami lang dalawa.

Hindi nila alam ‘yung mga plano namin, plano ko sa kanya, plano niya para sa akin, plano namin sa buong buhay namin. Kasi akala nila, we’re just in a relationship who likes to go out, who likes to watch movies, who likes to buy things. First of all, hindi naman ako papasok sa isang relationship na basta-basta dahil ang dami ko na pong na-experience sa age na 21,” seryosong kuwento ng magaling na singer.

Since magkasama na sa iisang bubong sina Charice at Alyssa ay tinanong namin kung ipinagluluto siya ng dalaga, “Opo, ipinagluluto niya ako ng chicken at hotdog. Joke! Ha-hahahaha!” birong sagot sa amin.

Natanong din si Charice kung ano ang reaksyon ni Ellen DeGeneres (isa sa mga pinahanga niya sa pagkanta) ngayon sa kanya, “Katukayo, kaliga, ka-pare?” natawang sagot ng singer.

“Ano po, ang nakuha ko lang reaksyon ‘yung kay Ninang Oprah (Winfrey), kay Sir David (Forster), sila po kasi ‘yung unang nakaalam talaga.

“Si Ellen po hindi niya alam, so probably now she found out, sasabihin niya, ‘What!’ Kasi nu’ng nag-guest ako sa kanya, naka-dress pa ako. Ha-hahaha! Naka-all black pa ako,” ani Charice.

Nasa pag-iingat pa ba ni Charice ang mga dating damit bilang remembrance? “Actually nasa closet ko kay Mommy (Raquel), mga heels ko, ganyan. Feeling ko nga, ibebenta na niya. Ha-hahaha! Okay lang naman,” tawa pa ni Charice.

Samantala, masayang ibinalita rin ni Charice na may negosyo na ang mommy niya, ang matagal na nitong pangarap na resto-bar.

“Actually, gusto ko rin pong sabihin na magbubukas si mommy ng restaurant siya sa araw tapos sa gabi magiging bar. Happy ako, finally sa ilang taong pinag-usapan namin, heto na nangyayari na I heard mag-o-open na, I don’t know exactly when, pero sa Cabuyao (Laguna).

“Pangarap ni mommy ‘yan talaga kasi masarap magluto si mommy, ang pangalan yata ng restaurant, kasi ‘yung nickname niya K, Raquel, so ang pinangalan niya, very Filipino, K-Sarap Kainan,” say ng singer.

Paano niya ito nalalaman lahat, e, hindi nga sila nag-uusap na mag-ina at hindi rin nagkikita? “Yun po ‘yung sinasabi ko na nakikita ko sila, nadadaanan ko kasi same place kami in Cabuyao, different barangay lang. May mga kaibigan po ako na nagsasabing, ‘Uy nakita ko mommy mo,’ tapos dyino-joke ko sabi ko, ‘O, nakita mo ba si mommy? Hindi kami nagkikita, minsan nagkakasalisi,” kuwento pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang “One Voice” benefit concert for Bohol on Nov. 5 ay produced ng Bellhaus Entertainment at Resorts World in cooperation with Philippine Chinese Charitable Incorporated headed by Mr. James Dy mula sa direksyon ni Jeff Tan with guests, Sassy Girls at si Alyssa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending