‘Wag nilang sasabayan ang SILVER CONCERT ko!’ | Bandera

‘Wag nilang sasabayan ang SILVER CONCERT ko!’

Reggee Bonoan - October 29, 2013 - 03:00 AM


SA Nob. 11 ang 48th birthday ni Ai Ai delas Alas at nasanay na kami na kapag buwan ng kaarawan niya ay may major concert siya, pero ngayong 2013 ay wala raw muna dahil paghahandaan niya ang 25th anniversary niya sa showbiz, sa 2015.

Ilang beses nang napuno ni Ms. A ang Araneta Coliseum kaya sa 2015 ay sa Mall of Asia Arena na raw magaganap ang silver anniversary concert niya.

Kasabay nito may “banta” na siya agad sa mga magko-concert sa 2015, kesehodang local o foreign. “January, 2015 pa lang, ia-announce ko na, walang sasabay ng November sa akin. Kahit foreign artist o local, wala. Ako lang.

“Magagalit talaga ako pag may sumabay sa akin. January pa lang, alam na ng lahat yan. Huwag kayong sasabay sa akin! Sa buong Pilipinas, sa lahat ng concert artists, huwag n’yo akong sasabayan.

“Aawayin ko sila. Ang tagal-tagal ko itong hinintay. Last na nag-concert ako 2010 pa. Kaya inaabangan ko talaga itong 2015 kasi silver anniversary ko sa showbiz. Pasabog talaga ito!” natatawang balita sa amin ng komedyana.

Samantala, sa Nob. 10 ay tutungo ng Amerika si Ai Ai kasama ang anak na si Sancho para sa apat na shows at isasabay na rin ang bakasyon para makasama ang dalawa pang anak na sina Sofia at Nicollo.

Natatawang kuwento ni Ai Ai tungkol kay Sancho, “Nakakatawa nga, magte-text yan, ‘Ma nasaan ka?’ Siyempre minsan hindi ko nasasagot, biglang magte-text ng, ‘Ma, may date ka ba?’ Nakakaloka!

“Sagot ko naman sa kanya, ‘Date agad? Hindi ba puwedeng sabihing may taping ako?’ Ganu’n si Sancho, laging naka-check kung nasaan ako, eversince naman, ganyan ‘yan,” natutuwang kuwento ni Ai Ai tungkol sa panganay niya.

Sumusumpa naman ang Comedy Queen na wala talaga siyang dine-date ngayon.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending