HONESTO bagong kabibiliban ng mga bagets; kaiinisan ng mga sinungaling | Bandera

HONESTO bagong kabibiliban ng mga bagets; kaiinisan ng mga sinungaling

Reggee Bonoan - October 28, 2013 - 03:00 AM

“Panonoorin ko si  Honesto, gusto ko kapag lumalaki ang ilong niya,” ito ang kaswal na sabi sa amin ng anak naming si Patchot.
Tanong namin, “Bakit mas gusto mo pag lumalaki ang ilong ni Honesto, ibig sabihin mas gusto mo na hindi siya nagsasabi ng totoo?” “Kasi sana lahat ng nagsisinungaling, lumaki ilong,” sagot sa amin ng bagets.

Kaya’t ang hamon namin kay Patchot, “Ikaw lalaki rin ilong mo kasi hindi ka nagsasabi ng totoo kapag tinatanong ko kung binu-bully ka sa school mo.”

“E, kasi mamaw ayoko ng gulo, baka kasi mag-away mga magulang, okay lang naman kasi sinusumbong ko sa teacher ko,” katwiran sa amin ng aming anak.

Susme, kung hindi pa dahil kay Honesto ay hindi namin malalaman na binu-bully nga ang bagets.  Isa pang hirit niya, “Sana mamaw lahat ng nagsisinungaling na nasa Senado, lumaki ilong nila at huwag ng bumalik sa dati para magtanda sila.”

Natawa kaming bigla, kasi sa presscon ng Honesto na pagbibidahan ng bagets na si Raikko Mateo na mapapanood na ngayong gabi pagkatapos ng TV Patrol ay binanggit na napapanahon ang seryeng ito dahil sa kasalukuyang nangyayari ngayon sa gobyerno tungkol sa pork barrel scam at iba pang isyu ng katiwalian.

Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending