ANGEL apektado sa paghihiwalay nila ni PHIL, pero tuloy ang pagtatrabaho | Bandera

ANGEL apektado sa paghihiwalay nila ni PHIL, pero tuloy ang pagtatrabaho

Reggee Bonoan - October 24, 2013 - 03:00 AM


Mabuti na lang at nag-invite ng dinner sa set ng Toda Max si Ms. Ai Ai delas Alas kaya nakita rin namin si Angel Locsin, gusto rin kasi namin siyang makausap tungkol sa tsikang hiwalay na sila ni Phil Younghusband.

Si Angel muna ang pinuntahan namin bago kami tumuloy sa tent ni Ms. A at inabutan naming nagbabasa ng script ang aktres.
Nang makita kami ni Angel kasama sina bossing DMB at Ervin Santiago ay kaagad namang bumeso ang dalaga at ngumiti saka bumalik sa pagbabasa ng script.

Umiwas siyang  mainterbyu pero humirit kami ng tanong na ang isasagot lang niya ay oo at hindi pero kaagad siyang nagsabing, “Ate Reggs nagbabasa ako ng script,” sabay talukbong ng mga script sa amin.

Kita namin sa mata ni Angel na meron nga siyang dinadala, halata ang kalungkutan sa itsura niya. In fairness nagsabi naman sa amin ang aktres ng, “Ayaw kong pag-usapan.”

Maging ang executive producer ng Toda Max na si Rocky Ubana ay nagsabi sa amin ng, “Wag mong guluhin at baka hindi makapagtrabaho.” Sundot naman ng personal assistant niyang si Lynnet, “Magsasalita naman ‘yan, hintayin mo na lang.”

Samantala, tinanong namin si Ms. A kung may alam na siya tungkol sa paghihiwalay nina Angel at Phil, “Ayaw kong alamin. At saka parang okay naman siya ngayon (taping),” say ng komedyana.

Anong klaseng okay, sundot kay Ai Ai, “Walang nabago, pero niloko ko siya kanina, pero sabi niya, ‘Ayokong pag-usapan,’ kaya sabi ko, totoo na ‘yan? O sige, ‘yung akin na lang pag-usapan natin,’ sabi ko sa kanya!” tumatawang kuwento ng Comedy Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending