RICHARD: Minolestiya po ako ni DAWN...at pumayag naman ako! | Bandera

RICHARD: Minolestiya po ako ni DAWN…at pumayag naman ako!

Reggee Bonoan - October 18, 2013 - 03:00 AM


Speaking of Richard Gomez at Dawn Zulueta, inamin ng dalawa na masaya sila sa kanilang balik-tambalan sa You’re My Home, ang pagkakaiba raw nito sa Walang Hanggan ay mag-asawa agad sila sa kuwento na dadaan sa napakaraming pagsubok.

Bata raw silang naging mag-asawa sa kuwento, biro nga ni Goma, “Minolestiya ako rito ni Dawn. Kaya maaga kaming naging parents. Ha-hahaha!”

“Masaya kasi heto, pagpasok ng 2014 ay may bagong mapapanood ang tao kasi nag-expect sila na after Walang Hanggan ay may kasunod kaagad, e, it took a while bago ulit nagkaroon,” say ni Goma. Giit naman ni Dawn, “Naging busy kasi kami sa election.”

Tinanong namin kung tuloy pa ang pelikulang pagsasamahan nila, “Ay meron pa,” duetong sabi nila. “As a matter of fact, dalawa pa, actually tatlo pa, simultaneously,” dagdag ng aktres, “On-going ‘yung ginagawa namin ni Dawn na Sugo (movie) for Iglesia Ni Cristo, malaking pelikula rin ‘yun,” say naman ng aktor.

Natanong din kung bakit ang aga ng announcement ng bago nilang serye gayung sa 2014 pa  ito mapapanood, “E, kasi malapit nang dumating ang Pasko, by then, makakalimutan na ng tao,” katwiran ni Goma.

“At saka siyempre gusto na rin naming i-announce sa mga fans na matagal nang naghihintay just to give them an idea anong klaseng teleseryeng magkakaroon kami,” dagdag paliwanag ni Dawn.

Ilang dekada na ang nakalipas at may kanya-kanya na ring mga pamilya pero bakit kinikilig pa rin ang lahat sa tambalang Richard-Dawn. Ano nga ba ang sikreto nilang dalawa?

“Perhaps it’s our chemistry at isa lang naman ang lamang namin sa mga loveteams ngayon, may history kami. Kaya siguro mas madali naming naipapalabas ‘yung chemistry na ‘yun,” katwiran ni Dawn habang nakangiti lang si Goma.

At sa tanong na puwedeng ikumpara sa KathNiel loveteam ang loveteam nila, “Oo nga, pero parang nakakahiya na!” natawang sagot ng aktor.

Ang number one fan ng loveteam nina Dawn at Richard ay si Rep. Lucy Torres-Gomez na atat na nga raw sa kanilang bagong serye, “Pagkagising ko nga kaninang umaga, sinabi ko, ‘Honey, may gagawin kaming serye ni Dawn,’” kuwento ng aktor.

Gayun din ang asawa ni Dawn na si Davao Rep. Anton Lagdameo na matagal na rin daw nitong alam na may gagawing serye ang dalawa, “Matagal nan iyang alam, mga tatlo pa nga ito na sabay-sabay, it’s just a matter of time kung kailan,” kuwento rin ng aktres.

May limitasyon din pala ang dalawa sa kanilang taping, “We have our cut-off time, in terms of hours, days. Weekends I’m not allowed to work, only weekdays,” say ni Dawn.

Sey naman ni Goma, “The reason why we have cut-off time kasi aside from this (showbiz), meron naman pa rin kaming ginagawang iba.

If we have to work the following day, hindi naman kami puwedeng matapos ng alas kuwatro ng umaga kasi the following day we have to start working like 8 or 9 ng umaga, so we also need time to rest.”

Samantala, paano nga ba napapanatili nina Richard at Dawn ang kanilang magandang samahan gayung hindi naman sila madalas magkita o lumalabas man lang para mag-bonding.

“I guess, Richard and I were really friends, so parang maski iwan mo lang kaming dalawa (sa tabi), okay na kami, nagtatawanan lang kami parati,” paliwanag ng aktres.

“Kami ni Dawn, kapag may scenes kaming gagawin together, pinag-uusapan talaga namin dalawa,” say naman ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending