MARIEL ayaw nang magtrabaho, mas gustong magtanim na lang | Bandera

MARIEL ayaw nang magtrabaho, mas gustong magtanim na lang

Reggee Bonoan - October 16, 2013 - 03:00 AM


Mukhang ayaw munang tumanggap ng TV show si Mariel Rodriguez sa TV5, tinanggihan daw kasi nito ang bagong programang in-offer sa kanya ng network.

Nabanggit dati sa amin ng isa sa bossing ng TV5 na isasama raw si Mariel sa Showbiz Police at Face The People pero nang tanungin naman namin ang TV host tungkol dito ay wala raw siyang alam na offer dahil walang binabanggit sa kanya ang tumatayong manager niyang si Jay Montelibano.

At kahapon, nabanggit sa amin ng isang taga-TV5 na tinanggihan daw ng misis ni Robin Padilla ang offer. Tinext namin si Mariel tungkol dito pero hindi kami sinagot hanggang sa matapos naming tipahin ang balitang ito.

Hmmmmm, baka naman gusto munang magpahinga ni Mariel pagkatapos ng hosting stint niya sa Wowowillie at tanda namin sa huling sinabi sa amin ng TV host na mas gusto muna niyang magtanim dahil nag-eenjoy daw siya sa mga halaman.

Tinanong nga namin kung nakabili na siya ng malaking lupa para pagtaniman ng mga gulay-gulay niya at natawa kami sa sagot ni Mariel, “Ha-hahaha! Wala pa, sa paso pa lang ako nagtatanim.”

Susme, hindi kaya kamatis, kalamansi at sili lang ang maitanim ni Mariel? Akala ko kasi, meron na silang sariling farm ni Binoe.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending