ERIK SANTOS natatakot tumandang binata | Bandera

ERIK SANTOS natatakot tumandang binata

Reggee Bonoan - October 15, 2013 - 03:00 AM

HANGGANG tenga ang ngiti ni Erik Santos nang makatsikahan namin sa “InTENse: A Decade with the Prince of Pop” concert niya na gaganapin sa PICC Plenary Hall sa Nob. 9 dahil soldout na pala ang VIP tickets at ang tatlong magkakasunod na level sa venue.

Tinanong namin kung bakit sa PICC nila napagdesisyunang ganapin ang kanyang anniversary show, e, esekola (AB crowd) ang mga nanonood doon samantalang pangmasa ang packaging ni Erik lalo’t siya pa ang laging kumakanta ng themesongs ng mga teleserye ng ABS-CBN.

“Kasi sabi ni Erickson (Raymundo, manager niya) may market din pala ako na mga nanay at mga lola na gusto lang makinig sa mga kanta ko habang nakaupo lang, relax-relax lang kumbaga habang namonood.

“Siyempre, sini-survey din namin ‘yan, and I want to conquer PICC kasi ‘yun ang venue na hindi ko pa nagagamit, first time kong mag-PICC,” paliwanag ni Erik.

Kung sa PICC, dapat may orchestra, “Ay hindi ko kaya, masyadong mahal na kasi, siyempre bilang producer, gusto rin naming kumita pero may strings (instruments) naman na nandoon, siguro sa susunod na,” napangiting sagot ni Erik.

Ang isa sa mga dapat abangan ng manonood sa concert ni Erik ay, “Sasayaw ako with the G Force, hindi naman ako dancer, pero susubukan ko para maiba naman.” Tinanong namin kung ano ang isusuot niya, “Nakahubad, puwede na ba ‘yun?” birong sabi niya sa amin.

Samantala, biniro namin si Erik na ang galing niyang singer, magaling din siyang negosyante dahil lahat ng pinrodyus niyang shows/concerts ay kumita, mabait din siyang anak at good provider, sa isang bagay lang siya hindi nage-excel, ang pagiging lover boy o boyfriend kasi hanggang ngayon waley pa rin siyang dyowa.

“Oo nga, bakit nga ba ganu’n? Siyempre gusto ko na ring magkaroon ng family ko, mga 3 to 5 years from now,” pag-amin ng binata.

Kung hindi kami nagkakamali ay mahigit 30 na si Erik at tinanong namin kung handa siyang tumandang binata at kung may lahi sila, “Sobra naman ate Reggee, siyempre gusto kong magkapamilya naman, ayoko namang mag-isa.

Wala naman kaming lahi, bakit ayaw mo ba?” balik-tanong niya sa amin. May mga nakaka-dinner date raw si Erik pero hindi nagwo-work out, “Alam mo, kapag may dinner date ako, ikaw ang nasa isip ko, kasi baka makunan mo kami ng picture, kasi halos lahat nakikita mo at nalalaman mo, kaya pag may mga ganyan, naiisip kita,” natatawang kuwento ng singer sa amin.

Marami kasi kaming nabuko sa kanya bossing Ervin kaya ganu’n na lang ang reaksiyon niya sa amin. Ang sabi sa amin ni Erik, “Sana lahat ng nakasama ko sa 10 years ko, makasama ko sa show, manood po kayo, ikaw (kami) huwag kang mawawala ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Okay lang na laitin mo ang show ko, okay lang kasi ganyan ka naman ate Reggee, eh, basta nandoon ka.”

( Photo crdit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending