TINTIN BERSOLA kay JANET NAPOLES: ‘Bakit ganyan kaitim ang budhi mo?!’ | Bandera

TINTIN BERSOLA kay JANET NAPOLES: ‘Bakit ganyan kaitim ang budhi mo?!’

Reggee Bonoan - October 14, 2013 - 03:00 AM


Sa nakaraang presscon ng Face The People sa TV5 na iho-host nina Gelli de Belen at Tintin Bersola-Babao ay inamin ng huli na galit siya kay pork barrel scam queen, Janet Lim Napoles dahil malaki ang binabayarang tax ng mamamayan ng Pilipinas.

“Siyempre, sino ba ang hindi galit kay Napoles? Siyempre galit na galit ako kasi nagbabayad ako ng tax, lahat tayo nagbabayad ng tax tapos iisipin mo, binili na naman ng bag ng anak niya!” ang nakangiti pero madiing sabi ni Tintin ng maka-one-on-one namin pagkatapos ng presscon.

Galit din ba ang TV host sa mga pulitikong sabit sa pork barrel scam? Lalo na kina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla na parehong taga-showbiz din.

“Hindi lang naman sila, parang unfair na sila lang, sabi kasi maraming politiko na involved diyan, sila lang ‘yung unang nabanggit na pangalan.  So I will not judge the two senators.

“Dito ako kay Napoles, kasi marunong, kung paano siya mag-manipulate, mag-maneuver ng mga tao, ng lahat,” say ni Tintin.
Tinanong namin nang diretso ang matapang na asawa ni Julius Babao kung sakaling ipe-Face the People interview nila si Janet Lim-Napoles, ano ang unang itatanong niya?

“Bakit ganyan kaitim ang budhi mo?!” walang kagatol-gatol na sabi sa amin ni Tintin. “Kasi evil na ‘yun, e. Magnakaw ka ng piso, 50 cents, okay pa, eh. Pero kung 10 billion tapos paulit-ulit, evil ka na no’n, wala ka ng konsensiya no’n.

“Samantalang (sabay pakilala sa assistant niyang si Katkat), halika Katkat, nag-benefit siya sa PDAF, assistant ko ‘to, 12 years na, shes’s a kidney failure patient.

She’s due for an operation, February (2013), double kidney failure, nu’ng nasa hospital siya for one month na halos ikamatay niya, she benefited from pork barrel.

“May mga senators na tumulong sa kanya, P70,000 or P80,000 off from her bill, so I cannot say na masama ang PDAF.  Nakita ko na maganda ang pagkakagamit dahil matutulungan ang mga taong tulad ni Katkat.

So at that point, hati ako kasi nakita ko nagbe-benefit ang isang Katkat na mahirap,” paliwanag mabuti ni Tintin.

Dagdag pa ng TV host, “At naisip ko rin, teka muna, puwede rin naman palang idiretso ang PDAF sa hospital bakit kailangang maging utang na loob ni Kat sa mga senator ‘yung itinulong nila na tig-10 thousand, samantalang kung idiniretso ng gobyerno sa National Kidney ganu’n pa rin ang tulong kay Kat, di ba?

“So, ayaw ko lang ‘yung utang na loob mentality, thank you tayo nang thank you sa mga senator, pero na-realize ko, teka muna, di ba, tax ko ‘yun?” nakangiti pero malamang sabi ni Tintin.

At base na rin sa mga pahayag na ito ni Tintin ay sana nga mabigyan ng pagkakataon ang Face The People na makapanayam si Janet Lim Napoles.

Anyway, mapapanood na ang Face The People simula ngayong hapon, 4:30 p.m. sa TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending