DEREK hinding-hindi magbebenta ng katawan, pag-ibig sa halagang P5-M | Bandera

DEREK hinding-hindi magbebenta ng katawan, pag-ibig sa halagang P5-M

Reggee Bonoan - October 08, 2013 - 03:00 AM


IBINASE sa pelikulang “Indecent Proposal” (1993) na pinagbidahan noon nina Woody Harrelson, Robert Redford at Demi Moore ang kuwento ng bagong serye ng TV5 na For Love or Money nina Derek Ramsay, Ritz Azul, Edward Mendez at Alice Dixson mula sa direksyon ni Mac Alejandre.

Base sa trailer na ipinakita sa presscon kahapon, inoperan ni Alice si Derek ng P5 milyon kapalit ng pakikipagrelasyon nito sa kanya.

Tumanggi si Derek dahil may asawa na siya (si Ritz), pero sinabi ni Alice na hindi isyu sa kanya ang asawa at hindi siya makikipagkumpetensiya rito kaya nang abutin ng actor ang tsekeng P5 milyon ay bigla niyang ni-lips to lips si Alice.

Pero binitin ito ng production – hindi na ipinakita kung tinanggap nga ba ni Derek ang offer o hindi. Kaya naman natanong si Derek kung sa tunay na buhay ba ay may babae nang nakipag-flirt sa kanya at kung nagiging horny siya sa mga ganitong sitwasyon.

Natawa ang aktor, “You know, when you flirt, you don’t feel…it’s not necessarily horny.  “I think flirting is healthy. There’s nothing wrong with flirting as long as you don’t act.

I think flirting is human nature for everybody. I think in real life, everybody gets horny once, twice but it doesn’t necessarily na flirting,” paliwanag ni Derek.

At nang si Alice naman ang natanong tungkol sa flirting, “Kung type ko siguro ‘yung nagpi-flirt sa akin, magugustuhan ko, pero kung hindi ko siya type, move on, I will go on to the next candidate.”

Wala naman maisagot si Ritz dahil inosente pa raw siya sa mga ganitong bagay. Si Edward naman, “Tama ‘yung sinabi ni Alice na depende sa magpi-flirt sa ‘yo. I think sa lahat naman ng tao kapag type mo, di ba, go?”

Sumunod na tanong kung papatol ba sila sa isang one-night stand na ang kapalit ay P10 milyon na ipangtutulong sa mga nangangailangan na ang ibinigay na ehemplo ay si Janet Lim Napoles na nakakulong ngayon – kailangan daw paligayahin nila ang diumano’y nasa likod ng P10-B pork barrel scam.

Natawa lang si Derek at sinabi niyang dapat mas malaki raw sa 10 milyon kasi si Napoles daw ang magbibigay. Si Alice naman, “Ako papatol ako!” Na ikina-shock ng lahat, na kahit babae pa si Napoles, “E, ano?” matapang na sagot ni Alice.

Umayaw naman si Edward at maghahanap na lang daw siya ng ibang paraan para makatulong, “Kasi mahirap tumanggap ng pera na galing sa masama.”

Samantala, worth ba si Derek na bayaran ng limang milyong piso para sa panandaliang aliw? “Oo naman, he’s worth more than that, my character will pay more siguro,” mabilis na sagot ni Alice.

Ano nga ba ang worth ni Derek halimbawang may mag-aalok sa kanya? “How much? I wouldn’t accept any amount of money para matulungan ang isang sitwasyon, hindi po ako tatanggap ng any amount.

“In real life, my parents gave me a wonderful education, so nothing in life comes that easy. My dad always tells me, ‘you have to work hard, mas masarap gastusin ang perang pinag-trabahuan kaysa ibinigay lang sa ‘yo,” sey ng actor.

Mapapanood ang For Love or Money tuwing Huwebes simula sa Okt. 17, 8:30 to 9:30 p.m. sa TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending