SHARON: Bilang ina, karapatan kong ipagtanggol si KC sa mga umaaway sa kanya! | Bandera

SHARON: Bilang ina, karapatan kong ipagtanggol si KC sa mga umaaway sa kanya!

Reggee Bonoan - October 07, 2013 - 03:00 AM


PAGPAPATULOY ito nang nasulat naming kahapon tungkol sa pagiging “patulera” noon ni Sharon Cuneta sa mga bashers nila ni KC Concepcion sa mga social media.

Tulad nga ng mga nauna nang sinabi ng Megastar, natuto na siyang magpigil ngayon sa kanyang emosyon kapag nakakabasa siya ng mga paninira, panlalait at pambabastos sa kanila nsa Twitter.

Sa presscon nga ng unang teleserye niya sa TV5, ang Madam Chairman, nilinaw ni Sharon ang tungkol sa pagpatol niya sa isang taong naninira kay KC, ayon sa aktres-TV host-singer hindi raw artista ang detractor ng kanyang anak sa Twitter.

“Yeah, we were talking about someone who’s not an artista. So, it was something na kami lang nakakaintindi. We were talking about one certain person na alam kong nagfa-follow sa aming dalawa, since ayoko siya i-text,” kuwento ni Mega.

Ayon pa kay Madam Chairman, hindi lang basta stalker o online basher ang pinatutungkulan niya sa mga naging tweet niya kamakailan, kundi pareho nilang kilala ni KC.

“Hindi naman stalker. Sadly, mas kilala namin. Actually, kilala naming dalawa ni KC,” aniya. Pero sabi ni Sharon hindi naman daw ito big deal, ang ikinaiinis lang nila ay ang pagiging plastik daw ng taong iyon.

Nang tanungin siya kung bakit ba nito inaaway si KC, “It was a very little thing. Hindi inaaway. Yun nga, e, sana i-confront mo. Hindi yung sa harap, okay ka. Pero tama na, baka nga sumikat pa, huwag na.”

Karapatan naman ni Mega na ipagtanggol ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak, “She’s my daughter, darling, di ba? What would your mom do for you? And, my children are my world. Everything I do is for my kids.”

Pero ngayon nga ay natuto na siya, alam na niya kung paano kokontrolin ang kanyang sarili, “Kasi di ba, They wanna know about your life. They’re inspired by you in one-way or another.

That’s what I need to focus on because that’s me, e. “At saka, ano ba ang patol? If you make patol because you feel a loved one is being thrashed, I don’t think that there’s anything wrong with that.

“Siguro ang mali ko lang, I try to speak some people’s language, not my language. Kasi hindi naiintindihan ‘yung language ko, so pinipilit ko.

“E, ngayon, hindi ko na ginagawa yun. Problema na nila ‘yun. It’s not my problem anymore,” natatawang paliwanag pa ni Madam Chairman.

Seryoso rin ba ang TV host-actress na magbibigay siya ng P10 milyong piso kapag napatunayang nambulsa ang asawang si Sen. Kiko Pangilinan ng parte ng PDAF nito? Bigla raw kasing binura ni Sharon ang tweet niya tungkol dito.

“Yes, that’s how confident I am. I stand by what I said. Let us not allow ourselves be distracted by the real issues.  I will not allow that, I will not give anything for that.

“If you have questions about Kiko, I’m sure he’ll be very capable of answering all those questions after we arrived of the truth of the major thing that we had to be focusing on, the scandal now.

You can write down your questions, I will gladly answer them when is over. But I stand by of what I said,” seryosong sabi ng aktres.

Sa tanong tungkol kay Sen. Jinggoy Estrada kung naapektuhan na ang friendship nila, “I don’t want to answer anything na baka, (basta) I don’t want.

“Anything I say can be used…you know, misconstrue. I’ll say this lang, to make a long story short, hindi lang questions ‘yung PDAF kasi most everyone in politics is given that.

Ang question, saan napupunta ‘yung PDAF? If used correctly and it’s meant to be used to help your kababayan, then ang dami pa lalong natulungan, di ba?

“That’s all I say and I’ll stand by on what I say till the end of my days. Hindi magnanakaw ang asawa ko,” diretsong sabi ni Sharon.

Samantala, mapapanood na ang Madam Chairman sa TV5 simula sa Okt. 14, 7 p.m. kasama sina Jay Manalo, Regine Angeles, Akihiro Blanco, Shaira Mae de la Cruz, Byron Ortile, Bayani Agbayani, Jojo Campomanes, Ciara Sotto, Nanette Inventor, Malou de Guzman, Manny Castaneda, Tony Mabesa, Jim Pebanco, Gilleth Sandico, Patani, Bearwin Meily, Toby Alejar at Fanny Serrano mula sa panulat ni direk Joey Reyes at direksyon ni Joel Lamangan.

Hangang-hanga naman kay Sharon ang mga kasamahan niya sa Madam Chairman dahil kahit daw may mga personal na problema itong hinaharap, kabilang na ang pagkamatay ng kanyang half-brother, napaka-professional pa rin daw ito sa trabaho.

“Hindi ba, hindi ako self-destructive ever? When my first marriage broke up, nobody knew for two weeks. Nalaman lang kasi may nakasabay ako sa elevator na kaibigan ni direk Lino Brocka, si Boy C. De Guia.

“Because every single day, I would come to work, do my thing, work well, ha. Kasi, I’ve always been like that. Work has always been my crutch. Yung parang, you lost someone, you lost something, you have to excel in what you know. This is all I know,” pahayag pa ng Megastar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending