JULIA MONTES natatakot makatambal si DANIEL PADILLA; mas type si JOHN LLOYD | Bandera

JULIA MONTES natatakot makatambal si DANIEL PADILLA; mas type si JOHN LLOYD

Reggee Bonoan - September 28, 2013 - 03:00 AM

Pagkatapos nina Coco Martin (Walang Hanggan), Enrique Gil at Enchong Dee (Muling Buksan Ang Puso) ay si John Lloyd Cruz ang gustong makatrabaho ni Julia Montes in the future dahil talagang hangang-hanga siya sa magaling na aktor.

Ito ang inamin ng batang aktres sa thanksgiving presscon ng Muling Buksan Ang Puso noong Huwebes at medyo kinilig pa nga siya ng banggitin niya ito.

Say nga ni Julia ng tanungin siya kung sino ang gusto niyang maging leading man sa susunod na project, “Naku, isa po ‘yan sa mahirap na tanong, ang dami po kasing magagaling saka guwapo dito sa ABS-CBN, siguro po, excited lang akong isipin o kung sino ‘yung makaka-partner ko o makakatrabaho ko.”

At saka nga niya binanggit ang pangalan ni Lloydie. Sabagay, walang imposible lalo na sa Dreamscape Entertainment dahil halos lahat ng magagaling at sikat na artista ay nakukuha ng unit nina Deo T. Endrinal, Kylie Manalo-Balagtas at Julie Ann Benitez.

Kaya sabi ni Julia hangga’t maaari ay gusto niyang sa Dreamscape pa rin siya gagawa ng mga teleserye, “Ano po, ‘yun, special request ko po, kasi ano, kung saan po ako nagsimula o sino ‘yung unang nagtiwala sa akin, doon po ako.”

Oo nga naman, kung baga pagtanaw ng utang na loob iyon kung sino ang nagbigay sa iyo ng break, ang kaso, hindi mararanasan ni Julia makatrabaho ang ibang artista na sa ibang unit naman gagawa ng project.

Say naman ng publicity head ng Dreamscape na si Eric John Salut, “Hindi pa nagtatapos ang isang serye ay may nakalatag na agad, kaya hindi na nakakasingit pa ang ibang unit.”

Anyway, tinanong namin kung hindi ba kasama si Daniel Padilla sa gusto niyang makatrabaho? “Naku, depende po sa role, kasi baka kung sakaling i-partner ako sa kanya, e, magmukha lang niya akong ate.

Ha-hahaha! Kasi nga po, medyo mature akong tingnan (kaysa kay DJ). Pag-iisipan ko po muna talaga at dependeng-depende po talaga sa role. At saka baka awayin ako ng fans ng KathNiel,” natawang katiwran ni Julia.

Samantala, may special mini-concert sina Julia, Enrique at Enchong para sa lahat ng fans ng Muling Buksan Ang Puso sa SM Fairview Annex ngayong 5 p.m. kasama sina Erik Santos, Jed Madela at Angeline Quinto.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending